RSS

Saranggola Blog Awards Year 2


“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”


Para sa taong ito, narito ang patakaran at paraan ng pagsali sa Saranggola Blog Awards Year 2

Kalahok
  1. Filipino citizen, 18 years old pataas
  2. nasa loob o labas ng Pilipinas
  3. matagal na o baguhang Blogger
  4. Para sa baguhang blogger (*eto yung mga hindi pa nakakagawa ng blog o walang blog at gustong sumali,) maaari kayong gumawa ng blog basta makapagsulat ng hindi bababa sa tatlong entry
  5.  **simulan ang paggawa at pagpost ng 3 entry ngayong Agosto)


Kategorya

Pagsulat ng Tula
  1. Gumawa ng tatlong magkakaibang tula na may kanya-kanyang pamagat
  2. Umiikot ang paksa sa KALIKASAN
  3. Maaaring may sukat, maaari ring malaya, kahit gaano kahaba.
  4. Ipost bilang isang blog entry
  5. Lagyan ng isang pamagat ang blog entry na ito.

Maikling Kwentong-blog
  1. Kahit anong paksang may kinalaman sa kagalingan ng Pinoy, pag-asa sa bansa, pakikilahok at pakikiisa, mabuting pagkamamamayan, kaunlaran, pagdiriwang ng buhay at pagbabago ng sarili
  2. Blog na mag-iiwan ng kasiyahan, pag-asa at pangarap sa mambabasa
  3. hinihikayat na hindi hihigit sa 3000 salita

Kwentong Pambata
  1. Kahit anong paksang huhubog sa pagpapahalagang Pilipino gaya ng paggalang, pagiging matulungin, malasakit, pagpapahalaga sa pamilya, kalikasan, paglingap sa nakatatanda, pag-aalaga ng hayop, pagsusumikap sa pag-aaral, paghubog ng talento at iba pa.
  2. Para sa mga batang nasa edad 12 pababa
  3. hinihikayat na hindi hihigit sa 1500 salita
  4. May salitang angkop sa mga bata

Paraan ng Pagsali


  1. Ang lahat na nais lumahok ay kinakailangang mag-email at humingi ng application form sa email address na ito bernardumali@gmail.com.  Lagyan ng subject na SBA application form.
  2. Ang lahat ng entry ay nasa Filipino
  3. Tiyaking sa inyo ang ilalahok at hindi kinopya ng buo o kahit bahagi lamang ng ibang akda.
  4. Isang entry lang ang maaaring i-blog sa bawat kategorya subalit maaaring sumali sa lahat ng kategorya
  5. Ang lahat ng isasaling lahok o entry ay kinakailangang bago at hindi maaaring naisulat na, naipost sa inyong blog o nalathala sa anumang paraan o midyum.
  6. Ipost ang inyong entry mula Setyembre 1 – Oktubre  15, 2010.
  7. Lahat ng isasaling entry ay kinakailangan ding i-email sa organizer, kalakip ang application form sa bernardumali@gmail.com, dapat ay nakaattached o nakasulat sa word ang entry. Ang inyong entry na nasa word ang gagamitin o babasahin ng mga hurado sa pagpili ng mga magwawagi. Lagyan ng subject na SBA entries
  8. Tiyaking parehas ang ibablog na entry sa inyong ipadadala. Hindi na maaaring i- edit o baguhin ang anumang entry na ilalahok.
  9. Ipaalam sa organizer kung sakaling magbabago kayo ng blog address.
  10. Kinakailangan ding ilagay sa inyong blog; maaaring sa loob ng blog entry o sa mga sidebar ang saranggola blog awards logo na nakalink patungo dito at mga sponsors – ang kanilang logo na may link din sa kanilang website.
  11. Ang inyong entry/entries ay ilalathala rin sa blog na ito matapos ang patimpalak sa Nobyembre bilang bahagi ng Saranggola Blog Awards Year 2 at reference sa mga susunod na panahon.
  12. Tinitiyak ng organizer na ang orihinal na may akda ay hindi mawawala sa pagkilala sa orihinal na gumawa ng entry/entries.
  13. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.
  14. Ang Saranggola Blog Awards ay walang pananagutan kung sakaling ang mga akda ay napag-alamang kinopya lamang ng mga lumahok. Gayunman, kung mapapatunayan na ito ay hindi orihinal, agad na aalisin sa listahan ng mga kalahok at babawiin ang pagkilala sakaling manalo ang mga akdang hindi orihinal na ginawa.

Paano Pipiliin ang mananalo
  1. Pipiliin ang tiglimang makakakuha ng may pinakamataas na puntos sa tatlong kategorya mula sa mga hurado.
  2. Ang top 5 entries sa bawat kategorya ay isasalang sa online vote ng mga bloggers/ readers o viewers.  
  3. ang mananalo ay ang magkakamit ng may pinakamataas na puntos mula sa pagsasama ng Internet vote at score ng mga judges.
  4. 50% ng puntos ay mula sa puntos na binigay ng mga hurado (proportion to 50%)  at ang 50% ay mula sa nakuha sa online vote (proportion to 50%)
  5. Magsisimula ang botohan sa November 1 – November 19, 2010.
  6. Ihahayag ang mga magwawagi sa November 22, 2010.


***Karangalan / Premyo
  1. Ang top 5 ay magkakamit
    1. sertipiko ng pagkilala
    2. recognition badge sa kanilang website / blog
  2. ang top prize o 1st place ng bawat kategorya ay  magkakamit ng
    1. Three (3) days and two (2) nights stay at Alta Vista de Boracay  for two (2).  (accommodation only, airfare not included)
    2. P5,000 cash
    3. special commemorative award


Sa mga nais ding magbigay, mag sponsor o magdagdag ng premyo, maaaring makipag ugnayan o mag email sa bernardumali@gmail.com.

Maaari ring makipag ugnayan sa pamamagitan ng Yahoo Messenger: bernardumali@yahoo.com

---

Saranggola Blog Awards dates to remember

August
  1. Contest Promotion
  2. Paglikha ng entry
  3. Paggawa ng blog sa mga hindi pa nagkakaroon o gumagawa ng blog

September 1 – October 15
  1. Submission of entries

November 1 -19
  1. online vote

November 22, 2010
  1. announcement of  winners

December (exact date to be announced)
  1. awarding, thanksgiving and kita-kita day of contestants




*edited, august 10, 2010
**edited, august 10, 2010
*** edited, august 30, 2010
---

Sa lahat ng sasali, mangyari na ikabit ang mga logo at ang kanilang link sa ibaba ng inyong entry.

pakilink sa    www.saranggolablogawards.com

pakilink sa www.dmcihomes.com

    • Digg
    • Del.icio.us
    • StumbleUpon
    • Reddit
    • RSS

    43 comments:

    a.k.a panjo said...
    This comment has been removed by the author.
    a.k.a panjo said...

    may botohan pala.. konti lang friends ko..

    bernard said...

    dont worry, 50% lang naman ang vote and pili na ng judges bago pa magbotohan.

    goyo said...

    exciting yung EB ng mga contestants. sana maraming sumali, para marami akong ma-meet na bloggers. :)

    salbehe said...

    Sasali ako. Sasali ako. Sasali ako. Sasali ako. Sasali ako. Sasali ako!!!

    lovely said...

    wow, mukang magiging mas memorable ang kontes na to ah, pag mga gantong month talaga may pakontes hehe..:) ok lang kaya dumalo sa awarding kahit di nakasali sa kontes hehe.. mahaba-haba pa panahon ko para makapag isip ng tema, hehe.. :)

    kayedee said...

    ang hirap kuya! ehehehe

    simplysaycheese said...

    "Para sa baguhang blogger, kinakailangang may blog na hindi bababa sa tatlong entry"

    sino po ba ang baguhan at sino ang hindi?

    Tsiremo said...

    Happy 2nd Year hehe.. :)

    bernard said...

    @simplysaycheese: baguhan yung mga wala pang blog. Hindi pa nakakagawa ng kahit anong blog at magsisimula pa lang.

    jec mendiola said...

    count me in. wooshoo :)
    *excited*

    Toshii the Entrepreneur-To-Be said...

    Wow! AStig to a...good luck sa lahat. ^_^

    maria espie vidal said...

    nyay me voting...O____O

    jason said...

    pinost ko na kuya berns

    http://jasonhamster.wordpress.com/2010/08/30/kalikasan-ating-alagaan/#more-1431

    hitokirihoshi_kawaii said...

    dahil kay tito jason na mega post na kagad ng kanyang entry. nalaman ko tuloy itong contest na ito. sana magkaroon ako ng lakas at oras na magawa ito.

    mabuhay sa mga pasimuno ng contest na ito!

    katrinadanieles said...

    parang ang gandang salihan.. naku, masakit pag di sumubok.. sana talaga masalihan ko to. :)

    gandang araw sa bumubuo nito! :)
    God bless! :)

    busyok said...

    support nalang ako dito bernard.

    King of Herbs (Paul Pruel) said...

    early september pa lang naman puwede parin bang humabol, igan Bernard? base sa date of submission (Sep 1 - 15 Oct).

    lio loco said...

    at ito pala ang saranggola blog awards na naririnig ko sa iba't ibang dako ng buladaspir.

    pwedeng sumali? haha! ang gara ng papremyo! :D

    bernard said...

    @lovely, oo mas masaya ngayon!
    @kaydee, madali lang yan. sali ka na, may time pa.
    @jec, hintayin ko yan.
    @hitokirihoshi, salamat at sana ay lumahok ka rin
    @katrina, oo, masakit pag di ka nakasali hehehe
    @busyok, salamat busyok hehehe
    @Paul, mahaba pa oras, sali ka na
    @lio, sali ka na. buti naman at nagbalik ka na.
    @tsi, jason at espie, magpadala pa ulit kayo ng entries

    goyo said...

    ay shet ang ganda ng mga premyo.. kailangan ko ng mag-isip.. woooooh..

    hoshi said...

    kuya nagpadala na ako ng form and yung copy ng mga entries ko, kahapon at ni-resend ko ulit ngayon.

    receive mo na ba? wala kasi ako natanggap na notification kung receive mo na. hehee

    maikling kwento –
    http://kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com
    tula –
    http://hoshilandia.com

    hitokirihoshi_kawaii said...

    kuya tanggap mo na yung isa pa? gamit ko na yung isang email ko pa.

    thanks at napasama na ako sa link.

    mabuhay!

    bernard said...

    oo nakuha ko na! salamat.

    hitokirihoshi_kawaii said...

    kuya what if gusto humabol na sumali pa sa isang kategorya pero nakapagpasa na,puwede pa ba?

    anong gagawin? mag-send ulit ng bagong form?

    wala naitanong ko lang. hehehe

    salamat!

    bernard said...

    hi! iresend mo na lang yung application form with additional details.

    cuteberl said...

    KASALI NA AKO DITO.. YAHOOOOOOOOO,....

    a.k.a panjo said...

    tanong lang, medyo nalilito ako sa maikling kwentong-blog.

    natural na short story ba to na fiction or dapat non-fiction na blog entry?

    bernard said...

    hello!
    pwedeng fiction, pwedeng non fiction basta:

    Kahit anong paksang may kinalaman sa kagalingan ng Pinoy, pag-asa sa bansa, pakikilahok at pakikiisa, mabuting pagkamamamayan, kaunlaran, pagdiriwang ng buhay at pagbabago ng sarili

    Blog na mag-iiwan ng kasiyahan, pag-asa at pangarap sa mambabasa

    hinihikayat na hindi hihigit sa 3000 salita

    yin said...

    ngayon lang ako nagawi dito kuya bernard, ang gara ng patimpalak, nahihiya mga tonsils ko. pero iko-consider ko, hindi ko man mapagbigyan yung isang request kung sakali man eh kahit sali na lang ako. neh?

    rowena said...

    napakagandang patimpalak.

    may ilang lang akong comment. mukhang may kalituhan ang mga sumali sa maikling kwentong pambata.

    marami sa kanila ay gumawa ng pabula/fable. o mga hayop na kumikilos/gumaganap gaya ng sa tao. malaki ang pagkakaiba ng fable at maikling kwentong pambata sa larangan ng literatura.

    isa sa bahagi ng maikling kwento at maikling kwentong pambata ay ang TUNGGALIAN. Na binubuo ng apat na uri tao vs. tao, tao vs. sarili, tao vs. pangyayari, tao vs. kapaligiran.. di kasama ang hayop na kumikilos gaya ng sa tao..

    pansinin ang kasali sa palanca walang pabula sa mga maikling kwentong pambata.

    sa sa susunod na patimpalak ay maitama ito.. salamat.

    bernard said...

    @yin, hello, asahan ko yan hehehe
    @rowena, salamat sa puna at mungkahi! sa mga susunod na taon marahil ay unti-unti nating bibigyan ng linaw at restriction ang mga kategorya; sa ngayon ay hinihikayat lang nating mailapit sa mga blogger ang pagsulat ng tula, maikling kwento at kwentong pambata kaya hindi tayo naghihigpit.

    Ronster said...

    Kapatid, pano ako sasali? hehehe

    Ronster said...

    kapatid, talagang short story...not article about kagalingan ng pinoy? kulit ko no?

    bernard said...

    hehehe short story talaga ang mechanics.

    katrinadanieles said...

    yey! :) kasali na ko. heheh. :)

    Pong said...

    kuya berns napost ko na po. yung maikling kwento po. tatapusin ko po yun tula kung kakayanin before ko po submit yung form bukas. pasensya na po rush heheeheh

    God bless po!

    Xander C. said...

    Kung gusto ko sumali at yung entry ko ay ginawa ko this month lang.. di ako pwede sumali? tama ba? kasi August yung month na nakagalay kung saan gagawin ang entry????

    Hhuhuuhu.. sana naman pwede ako sumali.. huhuuhhu

    bernard said...

    kung agosto ginawa o naipost okay lang. Agosto naman ang buwan ng preparasyon para sa patimpalak na ito.

    Sassycat said...

    sir, kahapon po nag iwan ako ng mensahe sa email nyo para humingi ng application form pero wala pa po until now, may isasali po saana ako sa 2 categories. salamat.

    bernard said...

    hi sassy,
    habol mo na. pwede pa until 12mn. i email mo ko sa bernardumali@gmail.com

    pinkdiaries said...

    good luck po sa lahat! :-)

    wwlyna said...

    waa.. gusto kong sumali kaso late ko ng nabasa to.. Good Luck sa participants.. at di rin ako magaling sa Tagalog.. =p

    Post a Comment