RSS

Maikling Kwento - Finalist 3

Gabay
blog : Goyo's Adventure

Lumaki ako sa hirap, sa pinakamahirap na sitwasyon na pwedeng sapitin ng isang tao. Iniwanan kami ng aking Ama, kami lang ni Inay ang magkasama sa buhay. Laging kumakalam ang sikmura, laging gutom, kahit tubig minsan hindi pa makainom. Wala akong kalaro. Wala akong mga kaibigan. Minsan nga na napadaan kami ni Inay sa parke, inggit na inggit ako sa mga batang naglalaro ng saranggola, tumatakbo, naghahabulan kasama ng mga kaibigan. Tanging inggit at awa lang sa sarili ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko sila, kasabay ng pagpatak ng aking mga luha ang taimtim na dasal na sana bukas guminhawa ang aming pamumuhay.

Gusto kong mag-aral. Yan ang tangi kong bulong. Pinilit ko si Inay na ipasok ako sa elementarya, pinag-usapan namin ito sa aming pwesto ng sigarilyo at kendi malapit sa munisipyo at isang pampublikong eskwelahan. Tutol man si Inay sa pagpasok ko sa elementarya, nagpumilit pa din ako kahit naging tampulan ako ng tukso ng mga istudyante. Bukod sa aking edad, lagi din nilang pinagdidiskitahan ang aking kasuotan.


Doble ang kayod ko sa pagtatrabaho bilang taga-shine ng sapatos tuwing sabado at linggo. Pagkalabas naman sa eskwela ay sinusundo ako ni Inay tapos dideretso na kami sa aming pwesto. Dati kendi at sigarilyo lang ang aming paninda, hanggang sa madagdagan na din ng balot at penoy. Habang nagtitinda ay gumagawa ako ng takdang aralin. Nahihirapan ako sa totoo lang, bukod sa hirap ng mga aralin kahit na ito'y pang elemantarya lang, wala din akong mahingan ng tulong dahil maging si Inay ay lumaking salat sa edukasyon. Pinilit kong intindihin ang lahat ng aralin, hindi ako tumigil hanggat hindi ko nakukuha ang bawat problema sa matematika. Gusto kong matuto. Gusto kong umunlad.

Isang araw, nilapitan ako ng aking guro. Matataas daw ang aking grado, pinakuha nya ako ng pagsusulit para daw maka-diretso na ako sa hayskul. Sa awa ng Diyos, nakapasa ako. Maaari na akong pumasok bilang 1st year student sa susunod na taon. Gusto ko mang magmadaling makauwi ay hindi ko magawa. Unti-unti at marahan kong binaybay ang daan. Andyan ang tinginan ng mga tao na tila lumalamon sa akin ng buo, na parang nandidiri silang tingnan ang isang tao sa kalagayan ko habang nakasuot pa ng uniporme ng mga elementarya. Pagdating sa pwesto namin ni Inay, ibinalita ko agad sa kanya na maaari na akong maging hayskul agad dahil naipasa ko ang pagsusulit. Imbes na matuwa si Inay ay tila ba nalungkot pa ito. Halos madurog ang puso ko sa naging reaksyon nya.

Itigil ko na daw ang aking pag-aaral dahil ako din ang mahihirapan. Kung nakatikim daw ako ng pangmamata at panlalait sa elementarya, baka daw masahol pa dun ang maranasan ko sa hayskul. Nagbingi-bingihan na lang ako sa sinabi ni Inay. Dala ang mga naipon kong barya at ilang perang papel sa pagsa-shine ng sapatos, bumili ako ng ilang kwaderno at panulat bilang paghahanda sa hayskul. Madalas akong magtanong sa mga bumibili sa akin ng sigarilyo at kendi kung may mga luma silang polo sa bahay. Sa dami ng tinanong ko, ilan lang ang tumugon na meron pero hindi din nakuhang ibigay. Marahil um-'Oo' lang sila para hindi ako mapahiya o di kaya naman ay naaawa sila.

Parang gusto ko ng sundin ang payo ni Inay na itigil ang pangarap kong makatapos ng pag-aaral. Ngayon pa lang nahihirapan na ako, pano pa kapag pumasok na ako sa hayskul? Pero hindi, kailangan makaabot din sa langit ang saranggola ng buhay ko. Hindi ako titigil sa pangangarap. Ang edukasyon ang magiging susi ng tagumpay ko. Maiaahon ko din sa hirap ang Inay ko.

Sa unang araw ko sa hayskul, naging tampulan na ako ng tukso. Kailangan kong magbingi-bingihan at gawin na lang inspirasyon ang lahat ng pangungutyang aabutin ko. Patuloy pa din ako sa pagkayod bilang shoeshine boy tuwing linggo, nagbebenta pa din ng kendi at sigarilyo, pati balot at penoy tuwing gabi sa aming pwesto. Kasabay pa din ng pagtitinda ang pag-aaral ko ng mga takdang aralin sa eskwela, mas mahihirap na aralin. Nalaman ko sa pag-aaral ko sa hayskul na malapit ang loob ko sa mga numero, parang nagkakasundo kami. Dahil dito nabuo ng unti unti ang mga pangarap ko. Gusto kong maging CPA balang araw! Yan ang sigaw ko!

Sa pagtaas ng antas ng pag-aaral ay unti unti na ding lumalaki ang mga gastusin sa eskwela. Pinabibili kami ng calculator ng aming guro. Sinabi ko ito kay Inay, napailing na lang sya dahil alam nyang mahal ang bagay na 'yon. Lalo akong nagsumikap, todo kayod sa pagtatrabaho. Halos lahat ata ng mga tao sa lugar na kinalakihan ko ay makintab na ang sapatos sa pagpupumilit ko na magpalinis sila. Makalipas ang ilang linggo, buo na ang perang ipambibili ko sa calculator na nakita ko sa isang estante. Second hand na ito pero mukang mapapakinabangan pa. Nagpasama ako kay Inay sa pagbili. Hindi ko naranasan magkaroon ng kahit isang laruan sa buhay ko, pero 'tong calculator na to ay higit pa sa laruan, higit pa sa kahit anong kayamanan, ito ang tutulong sa akin sa pag-abot ng mga pangarap ko.

Gabi gabi ay masayang akong nagpipi-pindot sa calculator ko sa bangketa kung saan kami nakapwesto. Sa di inaasahang pagkakataon habang gumagawa ako ng takdang aralin, isang lalaki ang mabilis na tumatakbo papalapit sa akin at biglang hinablot ang hawak kong calculator. Hindi ko sya mahabol para bawiin ang calculator ko, wala din si Inay sa tabi ko ng mga oras na yun. Napagkamalan nyang cellphone ang natatanging kayamanang meron ako. Unti unting pumatak ang luha ko kasabay ng isang madilim na pangitaing baka hindi ko na maabot ang mga pangarap ko. Dumating si Inay at dagliang tinanong kung anong nangyari, ikinuwento ko sa kanya, ngayon ko lang nakitang lumuha ang mahal kong Ina.

Hindi ito makakahadlang sa pagtupad ng mga pangarap ko. Pagkatapos ng klase ay hinihiram kong madalas ang calculator ng aming guro at mabilis na ginagawa ang lahat ng takdang aralin bago pa man siya umuwi. Hindi pa rin nawawala ang pagtukso sa akin ng mga kamag-aral ko na kung tutuusin ay mas matanda ako. Wala akong magawa, hindi ko magawang maipagtanggol ang pobreng sarili ko.

Hatinggabi, ginising ako ni Inay. Sa unang pagkakataon nagcelebrate ako ng kaarawan ko. Mahigpit ang yakap nya sa akin. Kinuha ang palad ko, isang rosaryo at isang bagong calculator ang iniregalo nya. Nakangiti sya at sinabi nyang 'Anak, sasama na ako sa mga pangarap mo.' Ito ang isa sa pinakamasayang kaarawan ko.

Nabuhayan lalo ako ng loob na abutin ang mga pangarap ko. Hindi ako nakalimot na tumawag sa Diyos, siya ang naging gabay ko kasama ng Inay ko. Sa wakas, ang apat na taong pagtitiis sa panglalait at pangkukutya ng mga kamag-aral ko ay nalampasan ko na. Makakapasok na ako sa kolehiyo. Ito na ang tunay na simula sa pag-abot sa mga pangarap ko.

Kahit isang beses sa buhay ko hindi ko binanggit ang kapansanan ko. Malaki ang paniniwala ko na ang kahinaan mo ay mawawala kung hindi mo ito papansinin at iisipin mong normal ka. Kung anong kayang gawin ng iba, kaya din natin. Laging magdasal sa Diyos, at wag mawalan ng pag-asa. Mapalad kayo at naging normal kayo, huwag nyong sayangin ang pagkakataon gumawa ng mga bagay na kapaki-pakinabang para sa bayan higit sa lahat para sa pamilya nyo.

Maraming salamat sa inyo mga kamag-aral. Salamat sa inspirasyon. Salamat sa laging pagpapaalala na kailangan kong maabot ang mga pangarap ko. Maraming salamat sa mga guro, sa mga aral sa eskwela at higit sa lahat sa mga aral sa buhay na naibahagi nyo.

'Inay, isabit nyo na po sa akin ang medalya, ang mamang ito na nakasaklay, ngayon ay tinitingala na ng lahat ng taong naandito. Utang ko sa inyo lahat ito. Kayo ang gabay at ispirasyon ko.'

-----

Makalipas ang 5 taon, natapos ni Abner ang kursong pangarap nya. Isa na syang ganap na CPA at isa sa mga tinitingalang empleyado sa pinasukan nyang kompanya..

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

24 comments:

dexternews said...

Galing ni Goyo!

goyo said...

Pabahain na natin ng likes to! hihihi.
Maraming salamat sa magla-like.
Maraming salamat sa mga kamag-anak. hahaha.
Mga ka-blog.
Mga ka-facebook.
At sa mga taga TUMBLR syempre. :)

melovesushi said...

wow. NICE!!

Anonymous said...

...hindi ko makita ung like button..
..bulag na ata ko..

..pero maganda yung story, pareho kami ng gusto.. ang maging CPA!!!..

Stanley Campupot said...

Ayos sir! :)

Nass said...

AMIZHING!!!

zyramae said...

naks gumaganon hehehe

Liane said...

Ang galing! :) Idol Goyo!

J. Kulisap said...

Si Abner ay isang mukha ng pagsisikap at pangangarap.

Sulong batang Noypi.

Kongrats Goyo

Anonymous said...

lupet nito dre... astig!

Caryl Andrea said...

walang kakupas kupas ang husay ni kuya goyo! :) :D

taga-bundok said...

Go! Go! Go! Goyo! Good luck Master G.! :D

P.S. Nakalagay sa word verification. PUCHALI lolz.

rj said...

go goyo!! good luck pre!! ipagdadasal ko ang pag ka panalo mo

Wendy said...

Go! Go! Go! Goyo! :D Suportado. :D

Mr. Jinx said...

ANG GALENG! XD

-brightsidegarcia|tumblr

ryla said...

2 thumbs up :))

keizia said...

OMG! ang galing galing mo! :)

Anonymous said...

nakaka-inspired :)

melissa atendido said...

nice story!
haha muntik na ako maiyak :D

frailty said...

AYOS! (:

tara05angelee said...

great!!! un pla yun..

imnotmoving said...

naiyak ako..... natouch ako ng husto ako kasi naalala ko dati gabi gabi kong tinatahi ung sapatos ko ng balat kasi labas n ang mga daliri ng paa ko. ngaun kaya ko ng bilhin lahat ng sapatos kung ilan ang gusto ko.. nkakak iyak talga

Anonymous said...

sino ang may akda?

It's me, Jojo said...

inspirational ang tema... can i use this story sa pagsusuri ng maikling kuwento sa mga students ko?

God bless

Post a Comment