RSS

TOP 5 Finalists - Saranggola Blog Awards Year 2!

Matapos ang halos isang buwang pagbabasa at masinsing paghuhusga ng ating mga hurado, narito na ang listahan ng mga napiling (5) limang pinakamahuhusay na kalahok sa bawat kategorya ng Saranggola Blog Awards Year 2.

(Nakaayos sa paraang paalpabeto)

Maikling Kwento
1. Ang Dalawang Tulay ng Balat-Kahoy - Oh, My Doodles!
2. Dalawang Sintas - Kwento ni Kat
3. Gabay - Goyo's Adventure
4. Kimchi - Lipadlaya
5. Saranggola ni Pippin - It's A Small World After All


Tula ( nagkaroon ng tie kaya anim ang napili)
1. Bukas Kaya - Tula (at tuwa) ni Au
2. Mga Signos - Kwento ni Kat
3. Nasa Tao ang Gawa, Nasa Kalikasan ang Gantimpala - Aspectos de HitokiriHOSHI
4. Panaghoy ng Inang Kalikasan - Animus
5. Sa Bundok ng Monte Cristo - 2Rivers
6. Tatlong Tula sa Kalikasan - Breathing the SSDD Mantra

Kwentong Pambata
1. Ang Kaharian ng Kawayan - Maskara
2. Ang Regalo ko kay Mama - Princess Nin's Blog : words from a Princess
3. Bakit si Maya ang Napili - Lipadlaya
4. Luis Madungis - Eloiski.com
5. Nang Matutong Magsaing si Jason - Ang Alingawngaw ng Taribong

Nagkaroon tayo ng kaunting pagbabago sa paraan ng pagbato. Nitong mga nakaraang araw ay sinubukan natin ang kakayahan ng online poll sa iba't-ibang online vote na ginagawa natin sa blog na ito at lumilitaw doon na may kakayahan ang mga mambabasa, bloggers o internet users na ulit-ulitin ang pagboto. Lumilitaw na segundo lang pagitan at minsan pa nga ay pare-pareho ang mga IP address na ginagamit. Nangyayari ito upang ipanalo ang kanilang napili.

Upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari, minabuti nating baguhin ang paraan ng pagboto.


Paano boboto sa gusto ninyong kalahok?

1. Ang lahat ng entries na napili ay nakapaskil o nakapost sa blog na ito, basahin ang kanilang lahok o mas mabuti na BASAHIN ANG LAHAT NG AKDA na napili upang mapag-aralan at mapili ang pinaka magugustuhan ninyo.
2. Pindutin ang Like button sa ibaba ng entry. (tingnan ang halimbawa sa larawan) :

3. Ang may pinakamaraming nag LIKE ang magiging batayan (denominator) sa pagsukat at pagcompute ng natitirang 50%. Ganito susumahin ang boto kung ito ang nakuhang puntos mula sa Facebook Like Button:
    HALIMBAWA : Kalahok sa Kategorya

                 kalahok bilang 1.    105 likes
                 kalahok bilang 2.      88 likes
                 kalahok bilang 3.    130 likes
                 kalahok bilang 4.    199 likes
                 kalahok bilang 5.      95 likes


                Pagcompute : dahil si kalahok bilang 4 ang nakakuha ng may pinakamataas na puntos o pinakamaraming bilang ng nag LIKE, siya ay otomatikong makakakuha ng 50%. Ang kanyang score na rin ang magiging batayan.

               Kalahok bilang 1. 105 (bilang ng naglike sa kanya) / 199 (pinakamataas na boto) X100% = 52.76
                                            52.76 X 50% (natitirang porsyento) = 26.38
                                            26.38% = ang kanyang score, isasama ito sa naunang puntos na binigay ng hurado na nasa 50% na rin.

                 Kalahok bilang 2.    88 / 199 X100 = 44.22
                                                44.22 X 50% = 22.11
                                               22.11% + boto ng hurado

                 Kalahok bilang 3.    130 / 199 X100 = 65.33

                                                65.33 X 50% = 32.66
                                               32.66% + boto ng hurado

                 Kalahok bilang 4.    199 / 199 X100 = 100

                                                100 X 50% = 50
                                                 50% + boto ng hurado

                 Kalahok bilang 5.      95 / 199 X100 = 47.73
                                                 47.73 X 50% =23.86
                                                 23.86% + boto ng hurado

4. Ang kanilang mga puntos ay isasama sa naunang 50% na puntos na binigay ng hurado.
5. Ang botohan ay magsisimula ngayong Nobyembre 22, 2010 at magtatapos sa Disyembre 8, 2010.
6. Ang mga mananalo ay ipapaalam sa mismong araw ng parangal. (Petsa: malalaman sa mga susunod na araw)

Mga Pagbabago
1. Maiiba ang petsa ng parangal sapagkat humaba ang araw na ginugol sa paghusga ng mga hurado. Hindi kinaya ang dapat sana ay (15) araw sa dami ng mga kalahok.
2. Ibibigay pa rin natin ang sapat na araw sa pagboto; (18) labing-walong araw.
3. Bukod sa Sertipiko, makakakuha ang top 5 ng Special Commemorative Award ng Saranggola Blog Awards.
4. Sa mapipiling pinakamagaling, bukod sa Alta Vista de Boracay Accommodation, P5,000 at  Special Commemorative Award, makatatanggap din ito ng Plake.
5. Paliwanag sa proseso ng pagboto gamit ang Facebook Like: hindi  maaaring ulit-ulitin ang pagboto sa nagustuhan mong kalahok. Kinakailangan pang gumawa ng ibang account para bumoto ng marami. Sa mga nagsasabing sa paraang ito ay maaaring iboto lahat ng kalahok; totoo, ngunit ang paniniwala natin ay hindi ninuman iboboto ang lahat ng kalahok kung mayroon  siyang nais na manalo. Gayundin, ang Facebook Like ay positibo kung i-la -LIKE mo lahat sa halip na paulit-ulit na pataasin ang boto o magcheat gamit ang  ilang mga online vote para sa sinusuportahang  kalahok .

SIMULAN NA ANG PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG PAGLIKE!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

10 comments:

kikilabotz said...

congrats po s knila. hehe

BONISTATION said...

base ako! madaling araw ka mag post bernard hehe!!

congratulations sa finalists!! ^^ kita kits sa Gabi ng Parangal!

tama! sa FB Like button walang pedeng dumoble! pwera nalang kung may doble ang profile pic hihi!

Yanah said...

wow... congrats sa kanila..


pumasok ung dalawang bet ko ahihihi

cuteberl said...

ayos naposte na rin ang mga nanalo... teka bakit wla ako. hehehe. ayos lang yan... makasama lang sa ganitong patimpalak ay isa ng malaking karangalan. CONGRATULATIONS sa mga nanalo sa patimpalak. Hehehehe. Pahingi nalang kami ng buhangin ng bora ha. hehehehe

eliment said...

ka-bernard,
nakaboto na ako para sa maikling kwento at kwentong pambata.

congratz sa mga finalist. ngayon palang panalo na kayo.

pruelpo said...

bukas na ako buboto. kailangan muna basahin ko sila lahat. ang gaganda kasi. wala akong maitulak-kabigin! congrats sa lahat ng finalists...

jec mendiola said...

congrats sa finalists :) yey!

kuri said...

congrats at goodluck sa mga finalist!

btw, nice meeting you sir b! :D

more power sa SBA, sana makapunta kami sa awards night!

mentalclimax said...

Nasa pag-like lang ba talaga ang basehan dito? Paramihang ng kakilalang mauutong mag-like?

bernard said...

Hi, 50% mula sa mga hurado, kaya sila. ang natitirang 50% ay manggagaling sa boto o paglike.

Post a Comment