RSS

Tula - Finalist 2

Mga Signos
Blog : Kwento ni Kat

Sa Barrio Tuyo
Meron akong kwento
Tungkol Sa Barrio Tuyo
Taong dalawang libo’t dalawampu
Kung saan ang tubig ay nauubos na
At ang tao’y uhaw sa tuwina

Sa Kusina
Si bunsong nauuhaw
Kinuha ang  softdrinks na di malinaw
Ininom, tsaka nagtanong sa kuya
Kuya,ang tubig noon, ano po ang itsura?

Walang lasa
Pero pinakamasarap sa iba
Mas gusto mo pag malinaw
At walang iba pang kulay na lumilitaw
Hindi tulad ngayon, tubig na pampaligo
Sa ibang lugar  pa kinukuha, di pa klaro


Kuya, yung tubig na iniinom,magkano ba?
Isang libo  ang isang 500 ml, sagot ng isa
Ang mahal nga ng presyo
Minsan lang natin mabili, kapatid ko
Sa  Sala
Habang nanonood ng T.V.
Ang kanilang ateng mahilg sa teleserye
Ano ba ang istorya
Ng pinanood na telenovela?
Tungkol sa nag-iibigan pero magkaaway ang angkan
Bakit ba merong awayan?
Nagmula sa tubig na pinag-aagawan

Sa Kwarto
Sweetham, ang hirap mag-budget ng pera
Oo nga honeycured, ang bilihin masyadong mahal na
Kailngan ko pa palang bumili ng bitamina
Para di madaling mauhaw sa tuwina

Sa isa pang kwarto
O ano ba yan?
Palala ng palala ang sakit mo Sebastian
Matanda na tayo eh, lola na atsaka lolo
O siya,siya.. inumin mo ‘tong gamot mo
Nguyain mo ng mabuti
Hay,sayang walang tubig, ang pait eh

Sa  labas ng hardin
halamang plastik ang laman
Pagpapatubo ng totoo’y pinaghihirapan
Meron namang totoo
Kung saan nandun si Bantay na aso
Para walang may masira at para madiligan
Ng dilaw na  tubig mula sa payat na katawan

Sa bakuran
Kung saan si Inday ay naglalaba
Bakit hindi na lang bumili ng bagong damit, saad niya
Ang iba nga diyan bumibili ng bagong  damit
T inatapon pagkatapos ginamit
Kesa nahihirapan na naman siya araw-araw
Gumagamit pa ng Fabric softener walang banlaw

Gabi-gabi  ang pamilya
Sa panalangin ay sinasama
Ang paghingi ng malinis na ulan mula sa langit
At hindi rin nakalimutang isingit
Ang paghingi ng tawad sa kasalanan
Sa tubig na noo’y naaksaya’t pinabayaan

Ito ang kwento
Ng Barrio Tuyo
Taong dalawang libo’t dalawampu
Kung saan ang tubig ay ubos na
At ang tao’y uhaw sa tuwina.

Isa Lang Naman

Si Lito
Napadaan
Dyan sa kanto
Na may “Bawal Umihi Dito”
May dalang kendi
Mula sa Nena’s tiangge
Nang nahulog ang supot
Di na pinulot
Kasi ang nasa isipan
Isa lang naman

Si Aleng Nena
Kumakain
Ng Ruben’s chicharon
Di na pinansin
Ang kanyang
supot na tinapon
Dyan lang sa may kanto
Na may “Bawal Umihi Dito”
Sarili’y sinabihan
Isa lang naman


Si Mang Ruben
Nag-oobserba
Si Joaquin lang nakakita
Ng tinapong basura
Isang trashbag na puno
Ng plastik,papel,at anu-ano
Kinalat sa kanto
Na may “Bawal Umihi Dito”
Pinilit sa isipan
Isa lang naman

Si Mang Joaquin
May iniwan
Nung gabing madilim
Isang sako ng kahihiyan
Basura’y pinakawalan
Kinalat,pinabayaan
Dyan sa may kanto
Na may “Bawal Umihi Dito”
Konsensya’y di pinakinggan
Kasi “Isa lang naman”


Si Kapitan
Sinagot
Ang tanong kung saan
Itatapon ang basurahan
Ng tinatamad na tao
Na malapit sa kanto
Sabi nya “Dyan sa kanto”
Na may “Bawal Umihi Dito”
At ang kanyang dahilan
Isa lang naman

Si Alkalde
Nagbulag-bulagan
Sa suliraning nasa harapan
Kanyang pinabayaan
Truck ng kahihiyan
Binalewala ang kanto
Na may “Bawal Umihi Dito”
Hindi na pinag-isipan
Kasi “Isa lang Naman”

Dyan sa kanto
Na may “Bawal Umihi Dito”
Bumaho,bumaha, sakit’y kumalat
Tubig na malinis naging salat
Kaya si Lito na may sakit
Napailing sa sinapit
Naitanong sa sarili
Ba’t ganito ang nangyari?
Baka dahil sa katwiran
na “Isa lang naman”.




Ang Libro ng Pagkasira

Sa unang araw
Sinabi ng taong “Bahala na”
Kaya sila’y walang ginawa
Sa gitna ng kaguluha’y nakatanga
Wala  ng  pakialam
Sa Inang kalikasan

Sa pangalawang araw
Sabi ng tao “Bahala kayo”
Inaapakan karapatan ng  kapwa-tao
Mga babae’y di na nirespeto
Ibang buhay ay ginulo
Sinaksak,ninakawan at niloko

Sa pangatlong araw
Sabi ng tao “Mga hayop lang kayo”
Kaya di naawa sa pusa at aso
Pagkain na nga,ginawa pang baro
Laman at loob ay siyang niluluto
Kasamaan sa kanila di na natanto

Sa pang-apat na araw
Sabi ng tao, “Araw o gabi, wala ‘kong pakialam”
Kaya araw at gabi’y pinapipyestahan
Mga biyaya nitong kalikasan
Sa pag-abuso walang pakundangan
Araw’t gabi, motibo’y kasamaan

Sa panglimang araw
Sabi ng tao “Tubig at Lupa ay akin lamang”
Kaya puno’t halaman kanyang nilapastangan
Sinunog at kinalbo pati kabundukan
Karagatan nama’y kanyang tinapunan
Na para bang isang  basurahan

Sa pang-anim na araw
Sabi ng tao “Malawak naman ang kalangitan”
Kaya ang hangin di pinagbigyan
Buga dito,buga dun, at buga lang diyan
Usok ay kinalat kung saan-saan
Di nakonsesya sa kanyang kasalanan

Sa pang-pitong araw
Ang sabi ng Diyos “Di niyo nasunod ang aking utos”
Tingnan niyo ang inyong ginawa
Sa aking mga nilikha
Kaya mundong sa tao’y pinaalagaan
Biglang nabalot ng kadiliman

Lahat ng ito’y iyong makikita
Iyong mababasa at mapupuna
Sa aklat na naglalahad
Ng katotohanang hubad
Aklat na tao rin ang gumawa
Ang tawag, Libro ng Pagkasira.

























  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

14 comments:

Emil Martinez said...

I hope you get the award, Kat! Best luck! Your works deserve more than just adulations to which they are credited for.! Kudos!

katrinadanieles said...

thank you so much emil! :) nosebleed ako dun ha..^^

Anonymous said...

kat, ngaa nag-psych-mgt ka? dapat psych-lit! no dapat CREATIVE WRITING!!! - jaiku ni.

Anonymous said...

you have a favor, you know it ate kat :) GO!

jec mendiola said...

go kat :)
sana masungkit mo ang award. yey! ^^

katrinadanieles said...

@jaiko: love ko parin ang psych jaix. :) next time na lang ang malikhaing pagsusulat sa filipino kung may money na. heheh. Thank you so much jaix sa pag-support!^^

katrinadanieles said...

@sheann: tnx sheann, i know ikaw na ikaw yan. :)

katrinadanieles said...

@jec: salamat jec! :) sana suportahan mo.^^ yey!

J. Kulisap said...

Futuristic yong first poem. Pwede talagang mangyari, yong ibang tagpo nangyayari na.

Isa lang naman, dumadami at kapag naipon, malalang problema na, pwedeng itala sa libro ng pagkasira.

Good luck Kat

JonathanAquino said...

Hindi ko talaga ma-imagine ang future without water, but you made me realize that it is chillingly possible, sana wag mangyari at sana matuto na tayo, na para din sa mga darating na generations. Good luck, congratulations in advance, Merry Christmas na rin!

katrinadanieles said...

@jkulisap: Maraming salamat po kuya jkulisap sa pagbasa ng mga tula ko.^^

maraming salamat din sa pagbibigay kahulugan ng mga ito. :)

gandang araw sa'yo ginoong jkulisap! :)

katrinadanieles said...

@jonathanAquino: Sana nga wag mangyari..pero parang napapabayaan talaga ang kalikasan ngayon eh..

Salmat nga pala sa pagbabasa ng mga tula ko at pagbati sa'kin.^^

gandang araw sa'yo! :)

Marielle Yap said...

impressive gd ko sa imo, kat. you're one of the amazing few who have such an expert hold on our native language.

from your work alone, i can already see what type of person you are, what you find important, what influences you, etc... you're all of the good stuff. you care about the world.

may talent ka.. you should never stop working at this ha.. pinoy gold ka.

i wish you the best! :D

Anonymous said...

wow....ang ganda ng tula.... sana ay marami p akong mabasa na mga likha mo sa hinaharap...

Post a Comment