RSS

Tula - Finalist 3

Nasa Tao ang Gawa, nasa Kalikasan ang Gantimpala
blog : Aspectos de Hitokirihoshi



Gumigilid-gilid, sumisirit

I
Binili akong maganda ang postura.
Kahali-halina sa kanyang  mga mata,
Pero pagkatapos gamitin ako'y dinispatsa.

II
Siguro nga itinadhana akong ganito
Kaso sana inayos niya ako
Hindi iyong ipinatong sa bato.

III
Tuloy ako'y inilipad ng hangin
Ipinadpad doon sa malayong bangin
Pinagtripan ng mga insektong gutumin.

IV
Mabuti na lang may paraan
Makakaganti ako sa kanyang kasamaan
Pagka't heto na ang ulan.


V
Buhos ng tubig ay malakas
Madali akong makawala at makaalpas
Ilalakad ng baha sa wakas

VI
Malaki ang tyansa na makabalik
Maabutan ko kaya siyang naghihilik
Habang ako'y paparating na humahagikgik?

VII
Pero  alam mo ang nangyari?
Kaming mga basura ay naghari
Sinira namin kanyang mga pag-aari

VIII
Habang kami'y gumigili-gilid at sumisirit-sirit
Tahanan niya'y unti-unting nang tumitirik
Siya ngayon ay napakatindi ng hinanakit.

-----------------------------------------------------------------------

Lumipad na sila palayo

I
Noon sa pagtilaok ng manok nagigising ang mga tao
Pero ngayon dumedepende na lang sa alarm ng relo.
Nasan na nga ba ang mga manok ni Manong
Nagkandamatay na ba sa pakikipagsabong?

II
Bibihira na nga rin pala akong makarinig ng huni ng ibon
Ito ba'y dahil sa wala ng mga kalapating nagtitipon?
Natirador na ba ang mga mayang dumadapo sa mga kable?
O masyado lang akong abala at 'di ko alam sa'n sila nagkukubli.

III
Pero alam mo ang talagang kapansin-pansin at hinahanap ko?
Ang makakita nang paglipad-lipad sa hardin  ng mga paro-paro .
Ang humabol sa mga tutubing paligi-ligid  sa damuhan.
At ang  maghanap ng tipaklong, salaginto't salagubang.

IV
Oo alam ko na ang pagkawala nila ay hindi na dapat tinatanong.
Dahil bago ang tanong ay sumasambulat na sa akin ang sagot.
Sa ingay at dumi ng paligid, lilipad na nga sila palayo.
Doon sa tahimik, malinis at hindi nila kailangang magtago.


----------------------------------------------------------------

Magpakatao 'di ba?

I
Ang tao ay sadyang mapaghanap
Pero puno naman ng pagpapanggap
Dami-daming impormasyong kinakalap
Akala mo talagang nagbibigay-lingap

II
Sikapin nating simulan ang kalinisan
Para sa sarili at sa'ting pinapahalagahan
Hindi 'yong kalikasan ay pinapabayaan
Dahil sa kasakiman o katamaran.

III
Ano ba naman ang mag-recycle
Itapong mabuti balat ng popsicle
Imbes na magkotse ay mag-bicycle
Nakabawas pa sa tabang mapipisil.

IV
Huwag kang umasang kapaligira'y maganda
Kung puro ka lamang salita
At simpleng bagay 'di magawa
Magpakatao dapat tayo 'di ba?!







 




























  


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

3 comments:

JonathanAquino said...

Nakakatakot isipin na Mother Nature might lose her patience at give us a lesson dahil we humans can be so environmentally pasaway. Good luck, congratulations and Merry Christmas in advance

hitokirihoshi_kawaii said...

nakakatuwa naman your comment and i appreciate you greetings! thanks Jonathan! I hope sa mga poems namin lahat mas ma-touch tayong maging careful sa ating environment.

mabuhay!

mariel amban said...

isang tulang banyaga pilipino ang isinulat kaya dapat ito'y ipagmalaki dahil ito'y ginawa ng mananaliksik na dugong pilipino!

Post a Comment