RSS

Bola - tula

"Bola"
Kategorya : Tula
blogger : Otep

 
Tila walang katumbas na mapalabok o mabulaklak na salita,
ang puwede kong iwika noong panahong una kitang nakita.
Nakamamanghang ni-sa panaginip o sa hinaharap ko, ay hindi ko naisip na makikita.

Napakarami tuloy tanong ang pumapasok sa puso’t isipan ko;
Minsan itinatanong sayo… minsan ako na rin ang sumasagot para sayo.
“Minsan ba pakiramdam mo may kulang pa sa buhay mo…?
Isipin mo mabuti kung ano…baka kasi… AKO na ‘yon.”

Madalas ko ding naiisip, na “kung ang toll fee at  gasolina ay nagmahalan na,
Kung ganun ako si toll fee at ikaw si gasolina dahil tayo’y nagmamahalan na.” 
“Sakabilang banda, magkano na kaya presyo ng puso ko kapag binenta?
sobra na kasi ‘tong nagmamahal.”

Ayaw kitang mawala, kaya ginugusto kong maibigay lahat ng gusto mo.
“Sobra akong nagiging inspirado, dahilan para mag pursige at magsumikap ako.
Para kapag yumaman ako, magtatayo ako ng grocery store,
ibababa ko lahat ng bilihin at ibabagsak ang presyo…
Dahil sayo lang ako magmamahal.”

Pero kadalasan ang pag-ibig sa isang tao parang pagkaing de lata,
‘Di na kailangang lutuin pa, di na ‘sing mahal, suwak pa sa bulsa.
Kaya minsan, nasabi mong:
“Ang pagmamahal ko sa’yo ay parang paborito kong pagkain… UBOS NA!!!

Halos magluluhod ako sayo,
kung nanaisin mo ngang sa asin o munggo gagawin ko.
“Para akong hayuk na hayok magbuklat ng diksyonaryo,
Pero kahit saang pahina ko tingnan at nauwi sa pagkahilo…
Hindi ko pa rin mahanap… dahil wala naman talaga akong meaning sayo!”

“Sabi mo noon ang pagmamahal mo’y tulad sa unlimited,
-parang load, lagi tayong magtetext at magtatawagang walang patid,
Pero bakit hindi ko agad naisip na nae-expired din pala ang unlimited”.

“Ngayong wala ka na, at matagal na tayong di na nagkikita
Naitatanong ko ‘tuloy kung ikaw ba talaga si Elisa?
Hinahap-hanap kasi kita. Nasaan ka ba Elisa?”

Sana hindi mo lang sinakyan mga banat ko.
Sana hindi ka na lang sumagot ng “bakit” sa mga tanong ko.
Hindi mo alam na sa bawat kilig mo ay kinikilig din ako?
Kilig ba talaga? o baka sinasakyan mo lang ang pambobola ko.
Hindi ko alam, ako rin pala ang nabobola mo.

Ang laro pala talaga ay kinakailangan ng bola.
Patatalbugin at kapag na shoot na, may mananalo -tapos , tapos na.
Pero minsan may ayaw talagang tumanggap ng pagkatalo,
may mga maghuhumiyaw at magpoprotesta na sila'y naluto.
Bakit ba hindi na lang kasi tanggapin na sa bawat laro, kapag may nanalo, may natatalo.

Nais kong magpasalamat dahil kahit sa maiksing panahon ako’y iyong lingap sandali,
Kahit sa pinaka hapdi’t, pinaka ayaw na muling madampi,
Nakuha kong magmahal at ngumiti,
kahit pa natalo sa pambobolang nagmistulang isang lang akong laruan.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

7 comments:

Vincent said...

Such a great work Otep. nadarama ko ang kahusayan mo sa pagsasalita ng ating katutubong wika- nawa ay gawaran ka ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal. Good luck sa pagsulat..very nice

Christiane said...

Kapagod tsong! Bwhaha!

Anonymous said...

2 thumbs up! haha :) Nice i love your poem.

Anonymous said...

Galing Otep

Mangyan Blogger said...

LIKE! :) Goodluck!

Anonymous said...

panalo to otep tama ang timpla!!!tamang seryoso tamang nakakatawa lalo na yung huling linya ... meaningful tlaga!!!

galing!!!inspirado kahit sawi sa ang puso hehe

Leah said...

Weeee! Go, Otep!!! :D

Post a Comment