RSS

Karapatang Makapaglaro - tula

"Karapatang Makapaglaro"
Kategorya : Tula
Blogger : Ron Mia
Blog : Nite Writer



Oh anong ligaya na tayo'y makakita
Mga batang nagtatakbuhan, duon sa may plasa
Animo'y walang pagod, sa kakalaro
Inaabot na nang gabi, sa pakikihalubilo


Ngunit hindi lahat ng bata, ay may pagkakataon
Na makipaglaro sa kapwa bata, sa lahat ng panahon
Dahil sa kahirapang dinadanas, ng mga Pilipino
Maraming bata ang sadlak, sa pagbabanat ng buto


Mga batang wala pang muwang, ay nagtatrabaho na
Upang makatulong sa kanilang pamilya
Imbes na sa palaruan ang kanilang puntahan
Sa bukid o bundok ng basura sila matatagpuan


Ano kayang naglalaro sa kanilang isipan
Tuwing makakakita sila ng mga batang, nagtatakbuhan
Panibugho o galit, dahil sa kanilang kalagayan
Na ni minsa'y di man lang, nakahawak nang laruan


Imbes na robot at manika ang kanilang libangan
Kariton at basura, ang kanilang tangan-tangan
Dahil sa karukhaan na kanilang kinasadlakan
Wala silang magawa kundi magtiis na lamang


Ngunit ako'y umaasa na darating rin
Ang panahong mga batang ito'y maglalaro din
Hahawak ng laruan, at sa plasa'y magtatakbuhan
Uuwi nang bahay, na puno ng kasiyahan


Pangarap na laruan ay kanilang makukuha
Maraming oras sa paglalaro, ang matatamasa
Karapatang makapaglaro sana'y maisakatuparan
Sa tanong na kung kelan, basta kumapit ka lamang


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

2 comments:

debbie said...

I am really sad na nakikitang napakabata pa na nasa lansangan, di para maglaro kundi para maghanapbuhay to the point na sumasabit sa mga sasakyan para magpalimos at di alintana ang panganib na kaakibat ng kanilang pagsabit sa sasakyan... dapat ang ganuong idad ay nagsasayang nakikiapglaro sa kapwa bata o di kaya'y nasa paaralan para mag-aral :(,

rojan88 said...

oo nga po. thanks ate jing :-)

Post a Comment