RSS

Likha - tula

"Likha"
Kategorya : Tula
blogger : Jay Rulez
blog : Jay Rulez




Nanumbalik sa alaala noong kamusmusan ko pa
Mga laruang gawa  ni ama sa lilim ng punong mangga
Baril-barilang kahoy,takip ng pluma ang bala
Sa aking mga  kalaro’y  sabay iaasinta

Sa panahon ng tag-ulan, laging nasa isipan,
ang managsa sa dalampasigan ng mga laruan.
Laruang dala ng alon sa amihan
Pupulutin at lilinisin para pakinabangan

Espada kong tangan na yari sa kawayan
Ang dahon ng niyog sa aking bewang
At sa aking ulo ay korona-koronahan
Tila magiting na prinsipe sa aking kaharian.

Aking ding nahiligan magpalipad ng saranggola
Init ng araw ay hindi iniinda
Abot ang ngiti at sobrang masaya,
Habang hawak ang pisi at nakatingala sa kanya



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

1 comments:

Anciro said...

galing naman

Post a Comment