RSS

Magpakatoto ka Barbie - tula

"Magpakatotoo ka Barbie"
Kategorya : Tula
blogger : Jhiegzh



Napakaswerte mo ipinanganak kang mayaman
Bulsa ng mga magulang mo’y parating may laman
Kahit anong gusto mo ay binibigay nila
Upang sa gayon ika’y makitang masaya

Naalala ko pa nga noong ika’y sinorpresa
Mga magulang mo may supot na dala
Nabigla ka noong ito’y binuksan
Mga kotse, robot, mga panlalaking laruan

Nagtaka ako sa’yong naging reaksyon
Kung bakit di ka nasiyahan sa panahong iyon
Wala namang masama sa kanilang binigay
Dahil hangad lang nila ang iyong ngiting tunay

Sa pagdaan ng araw, kilos mo’y nag-iba
Pinaglaruan mo ako’t hindi ang bigay nila
Binihisan, sinuklayan na parang isang prinsesa
Nilagyan ng kosmetics at pampaganda

Doon ko nalaman ang iyong sikreto
Ang dahilan kung bakit ako’y pinulot mo
Sa isang basurahan na napakabaho
At nilagay sa iyong bag na amoy bago

Wala akong hinanakit sa iyong ginawa
Salamat sa iyo at ako’y iyong nakita
Ngunit bakit malungkot ang aking nadarama
Sa tuwing nilalaro mo akong mag-isa

Alam kong ako ay laruang patago
Sa ilalim ng kama ako’y tinatago
Sa tuwing kinakausap ka ng iyong ama
Kilos mo’y biglang nag-iba

Nalulungkot ako sa iyong sitwasyon
Isang kang bilanggo ng iyong kahapon
Hindi maipakita kung ano ka talaga
Sa mata ng iyong magulang at ng iba pa

Oo, alam ko hindi ka pa handa
Na sabihin sa kanila ika’y bakla
Pero buhay mo yan at hindi ka nila pag-aari
Gawin ang gusto mo at ‘wag mag-atubili

Pero hiling ko sana’y balang araw maisipan mo
Dalhin ako’t paglaruan sa harap ng mga tao
Yan lang naman ang aking natatanging gusto
Ang hindi ka magpanggap at ika’y magpakatotoo.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

30 comments:

Jhiegzh said...

Sir Bernard parang hiwalay dapat ung last 2 stanzas ko sa huli.. Thanks

"Oo, alam ko hindi ka pa handa
Na sabihin sa kanila ika’y bakla
Pero buhay mo yan at hindi ka nila pag-aari
Gawin ang gusto mo at ‘wag mag-atubili

Pero hiling ko sana’y balang araw maisipan mo
Dalhin ako’t paglaruan sa harap ng mga tao
Yan lang naman ang aking natatanging gusto
Ang hindi ka magpanggap at ika’y magpakatotoo."

alohagems said...

wow ang ganda na namin ng tula na 'to. masterpiece

harlie said...

,,cute!! love it!!

Semidoppel said...

Darna! Ang kulit nung poem

Anonymous said...

good job.
more! hehehe.

Anonymous said...

Maganda ang iyong pagkakasulat ng tula. Kudos sa entry na ito! May chance talaga aka may pinaghuhugutan!

Mharliz said...

Good luck! Ikaw na ang makata... hihi!

Kenken Peñalosa said...

WOW! as i started to read the poem, i was captured right away with its spell. The gradual unfolding of the events and the hint of mystery of the story was indeed thrilling. I as well as many of my kind could truly relate to this magnum opus....Thank you so much for having the courage and the ingenuity to come up with this brilliant poem....the strength of this poem is that it has a soul to it, it has life....kudos to you...God bless!!!

Sun Yam Je said...

I love your work Jhiegzh!
The whole story is so relatable!
Amazing,beyond beautiful,perfect!
Keep it up Jhiegzh!
Good Job!

Scolex Portal said...

wow! makata ka pala Jhiegzh.

Wish you all the luck sa contest na to

Jenny Dorendo said...

Tanda ah! Nice poem. :)

Ian Austria said...

blog sikat na to|! :D

f e R r y j H o i said...

naks!! naman!! nice work jhigs!! wala kang kupas!!!

Bennix said...

Great poem Kel. Galinga wui!

rica canedo said...

speechless here! such an awesome composition..confidently saying, this poem has life and soul that could bring you to the higher level of success...couldnt be any prouder of how you become today...im very proud of u...

Chi D. Flowright said...

super like! cute ng metonymy ni kuya :3 nacucurious ako sa mga bakla. hahaha!

Zemira Dela Cruz Oriarte said...

aus ang poem....
galing!

Anonymous said...

i love your poem.... :)

Liberty Cartilla said...

Maganda yung message ng tula. :)

Belle Wafa said...

Galing ah! I LIKE IT couz.

Anonymous said...

,NICE..BAGAI SA KUYA NG NGSULAT NITO...HAHAHA

Anonymous said...

super like...im touched...

Nalulungkot ako sa iyong sitwasyon
Isang kang bilanggo ng iyong kahapon

di ba isa kang bilanggo ng iyong kahapon ang dapat??la lang..di ako magaling sa tagalog, pero, ewan...correct me if m wrong.. :)

all in all! nice poem...

isp101 said...

Well written, very nice poem! =)

Zymon Nella said...

like it!!!

Anonymous said...

nice, nice, nice...!!!!

Gepee Rubio said...

Nice ang poem :))

Sitti said...

BONGGA ang poem~!!!

kikilabotz said...

may sikreto palang tinatago. hohohoho

Anonymous said...

Wow a masterpiece indeed! I so love the poem... Once you read the first stanza, you really look forward for what's next! Anyways nice ending! MAY LESSON...BE REAL!!! All in all well written Jhiegzh.

melvz said...

nice kua! ganda.. galing galing! godbless po... nice poem. makata ka tlaga.

Post a Comment