RSS

Saranggola Blog Awards 2012 (Ikaapat na Taon)


2012 Saranggola Blog Awards


“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”


Para sa taong ito, narito ang patakaran at paraan ng pagsali sa Saranggola Blog Awards Year 4

TEMA : Lakbay
Kategorya
1.      Maikling kwento
2.      Kwentong pambata
3.      Tula
4.      Blog / Sanaysay (freestyle)
5.      Larawan (photoblog)

Petsa ng Patimpalak : Setyembre 1, 2012 – Oktubre 15, 2012
Awarding : Disyembre 15, 2012 (tentative)



Kalahok
  1. Filipino citizen, 18 years old pataas
  2. nasa loob o labas ng Pilipinas
  3. matagal na o baguhang blogger (blogspot, wordpress, self-host, tumblr, multiply, *facebook note o kahit anong social media)
  4. Para sa mga baguhang blogger, kinakailangang may naipost na 3 blog sa taong ito bago ang Setyembre 1 2012.
  5. Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito.
Ang entry ay kailangang ilagay sa isang blog platform gaya ng wordpress at blogspot. Kung nasa facebook note ang entry, mangyaring ilipat ito sa nasabing platform. Ang pagsama sa Facebook Note sa listahan sa itaas ay para lamang sa mga nagtatanong kung pwede silang matawag na blogger kung facebook note ang gamit nila. Ang layunin natin ay mahikayat ang mga blogger na magsulat nang nasa wikang Filipino sa online platform kaya tinuturing nating ang facebook note ay isang basehan sa pagiging blogger subalit nais nating ipalipat ito sa ibang platform upang mas mabasa ng nakararami. Madalas kasi ay naka pribado  ang "setting" ng mga gumagamit ng facebook kaya nahihirapan kami at ang hurado na basahin at siguruhing sumunod sa patakan ang kanilang entry




Kategorya
 upang matulungan kayo sa pagsulat: puntahan ang pahinang ito  2012 Gabay sa Pagsulat ng Iyong Lahok
Pagsulat ng Tula
  1. Gumawa ng isang tula na may temang Lakbay.
  2. Maaaring ito ay tumalakay sa kalikasan, kultura, tanawin o kagalingan ng Pilipino.
  3. Maaaring may sukat, maaari ring malaya, kahit gaano kahaba.
  4. Ipost bilang isang blog entry.
  5. Ang pamagat ng tula ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng tula na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 4 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.


Maikling Kwento
  1. Kahit anong paksang may kinalaman sa Paglalakbay
  2. Maaaring pag-ibig na nabuo sa pamamasyal, trahedya, tagumpay o kahit sining na natuklasan
  3. Gumamit ng plot at tiyaking sangkap ang bawat elemento ng maikling kwento.
  4. HINDI hihigit sa 3000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat sobrang isang daang (100) salita.
  5. Ang pamagat ng maikling kwento ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng maikling kwento na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 4 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.


Kwentong Pambata
  1. Kwentong tumatalakay sa kahalagahan ng pamamasyal. Kwentong Pambata na may elemento ng pamamasyal.
  2. Para sa mga batang nasa edad 12 pababa
  3. HINDI hihigit sa 1500 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat Limampung (50) sobrang salita.
  4. May salitang angkop sa mga bata.
  5. Ang pamagat ng kwentong pambata ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 4 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.


Kategoryang Larawan (pang photoblog) - Postcard
1.      Larawang makikita sa iyong paglalakbay; arko, jeep sign, tanda, tablet, monumento, pasalubong, katutubong kasuotan o kahit anong sumisimbolo ng iyong bayan.
2.      Larawan na nagpapakita ng pagka Pilipino. Nagpapamalas ng Katangian ng Pilipinas. Humihikayat na maipagmalaki ang iyong pagkabansa. Nagpapakita ng kultura. Nagpapamalas ng galing ng mga Pilipino
3.      Maaaring kuha sa loob o sa labas ng bansa.
4.      Isulat sa larawan ang mga salitang ipinamamalas ng larawan; kataga o mga salitang magpapatingkad sa larawan.
5.      Ilagay sa larawan ang iyong pangalan o alyas at taon kung kailan kinuha ang larawan. Gayundin, ipadala ang larawan sa saranggolablogawards@gmail.com. Ibigay din ang detalye kung saan kuha ang larawan.
6.      Maaaring gumamit ng kahit anong klase ng camera.
7.   Ang pamagat ng larawan  ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 4 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.




Kategoryang Blog / Sanaysay (freestyle)
1.      Sanaysay tungkol sa iyong kinalakihang lugar
2.      Ipagmalaki ang iyong kinalakihan, ipakilala ang iyong lalawigan, kalye o barangay na bumuo sa iyong pagkatao.
3.   Kinakailangang totoong lugar at totoong karanasan ang iyong isusulat.
4.      Kailangan ay nasa wikang Filipino ang nilalaman. Ito ay malayang blog. Maaaring maging malikhain sa pagtalakay at pagsasalaysay ng akda. Kung lalahukan nang may video - kailangang ipadala ang ginamit na clip / video at isulat sa word at ipadala rin ang dayalogo (transcript).  Ang video ay hindi lalagpas ng 7 minuto.
5.     HINDI hihigit sa 2000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat isandaang (100) sobrang salita.
6.   Ang pamagat ng inyong lahok ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 4 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.

            Isulat sa ganitong paraan ang pamagat
                        Ako si (pangalan), laking (lugar na kinalakihan)




Paraan ng Pagsali
  1. Ang lahat ng entry ay nasa Filipino. Maging ang pamagat ng larawan (photoblog) at Kategoryang blog.
  2. Kumpletohin ang aplikasyon sa pamamagitan ng pagsagot sa kabilang pahina 2012 SBA appilcation form
  3. Tiyaking sa inyo ang ilalahok at hindi kinopya ng buo o kahit bahagi lamang ng ibang akda. (BAWAL ang PLAGIARISM!)
  4. Isang entry lang ang maaaring i-blog sa bawat kategorya subalit maaaring sumali sa lahat ng kategorya
  5. Kinakailangang bago ang lahat ng entries at hindi pwede ang naipost na sa inyong blog.
  6. Ipost ang inyong entry mula Setyembre 1 – Oktubre  15, 2012.
  7. Ang lahat ng entries ay ipopost din sa www.saranggolablogawards.com sa Oktubre 20, 2012 at nakalink din sa inyong blogsite.
  8. Lahat ng isasaling entry ay kinakailangan ding i-email sa organizer sa saranggolablogawards@gmail.com, dapat ay nakaattached o nakasulat sa word ang entry. Ang inyong entry na nasa word ang gagamitin o babasahin ng mga hurado sa pagpili ng mga magwawagi. Kung hindi makapagbigay ng link ng picture sa application form ay maaaring ipadala ang 1X1 id pic kasama ng entry.
  9. Lagyan ng subject na SBA entries
  10. Tiyaking parehas ang ibablog na entry sa inyong ipadadala. Hindi na maaaring i- edit o baguhin ang anumang entry na ilalahok.
  11. Ipaalam sa organizer kung sakaling magbabago kayo ng blog address.
  12. Kinakailangan ding ilagay sa inyong blog; maaaring sa loob ng blog entry o sa mga sidebar ang saranggola blog awards logo at ang mga logo ng sponsor na nakalink patungo dito.
  13. Tinitiyak ng organizer na ang orihinal na may akda ay hindi mawawala sa pagkilala sa orihinal na gumawa ng entry/entries.
  14. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.
  15. Ipapaalam sa lahat ng mga sumali kung ang kanilang lahok ay opisyal na tinatanggap  Sa Oktubre 20, 2012. Titiyakin ng bumubuo ng SBA na ang lahat ng lumahok ay nakasunod sa panuto.
  16. Maaaring makasama ang inyong lahok sa paglathala ng mga nagwagi sa taunang SBA sa mga susunod na araw / taon. Hihingin ang inyong pahintulot sakaling buuin bilang isang aklat ang mga lahok / entries ng SBA.
  17. Ang Saranggola Blog Awards ay walang pananagutan kung sakaling ang mga akda ay napag-alamang kinopya lamang ng mga lumahok. Gayunman, kung mapapatunayan na ito ay hindi orihinal, agad na aalisin sa listahan ng mga kalahok at babawiin ang pagkilala sakaling manalo ang mga akdang hindi orihinal na ginawa.


Paano Pipiliin ang mananalo
  1. Ang lahat ay dadaan sa masusing paghusga ng ating mga piling hurado.
  2. Ang magkakamit ng pinakamataas na puntos mula sa mga hurado ang tatawaging Bloggaling.
  3. Magkakaroon din ng ispesyal o natatanging karangalan para sa magkakamit ng pinakamataas na puntos ng *Facebook like. Ito ang tatawaging Blogsikat. Magsisimula ang botohan sa pamamagitan ng paglike sa Oktubre 22 Hanggang Disyembre 10
Karangalan
  1. Ang tatanghaling Bloggaling ay magkakamit ng
    1. recognition badge sa kanilang website / blog
    2. P5,000 cash
    3. special commemorative award
  1. Ang ikalawa at ikatlong pwesto ay tatanggap ng
    1. Sertipiko ng karangalan
    2. Recognition badge sa kanilang website / blogsite

2.      Ang mapipili namang Blogsikat
    1. recognition badge sa kanilang website / blog
    2. P2,000 cash
    3. special commemorative award
Ang mga magwawagi ay ipapakilala sa Disyembre 15, 2012. (tentative)

*PAUNAWA : Ang Facebook at ang like feature nito ay walang kinalaman o responsabilidad sa patimpalak na ito. Ginamit lang ang like button para bilangin ang mga nasisiyahang mambabasa.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

79 comments:

thepinoysite said...

ayos, nagsimula na ang patimpalak...

LhanLhan said...

sana makapunta naman ako sa awarding kahit di manalo =) for sure sasali ako dito

Stef Vidal said...

Great.. Been waiting it for a long time :)

Guest108 said...

Waiting for the Application form :)

otep said...

KATANUNGAN: Kinakailangan bang naka focus lang talaga sa "Kwentong tumatalakay sa kahalagahan ng pamamasyal" yung sa kwentong pambata? o kahit anong may kinalaman sa temang "lakbay?" #confused

Pala kanton said...

SBA 4 na ulit ang bilis ng panahon...
kaabang abang na naman ang mga kalahok sa taon eto...

BayanCars said...

Sana makasali rin kami dito... :)
Tagal ko ring hinintay to..

Pala kanton said...

Sir eto po entry ko sa taong eto SBA 4

http://palakanton.blogspot.com/2012/09/palong-sinto-bente.html

Pala kanton said...
This comment has been removed by a blog administrator.
limarx214 said...

Sir nasa ibaba po ang link ng aking entry sa SBA 2012 sa kategoryang: Maikling Kwento. Salamat at God Bless.

http://limarx214.blogspot.com/2012/09/lakbay-ikalawang-yugto.html

June said...

Magandang gabi eto po ang aking entry para sa Kategoryang Photoblog (post Card)Maraming Salamat po!.

http://lakwatserongopisworker.blogspot.com/2012/09/maghahanap-ka-pa-ba-tara-lakbay-na-sa.html

Bino said...

eto po ang aking entry sa kategoryan'g tula :

http://www.damuhan.com/2012/09/paglalabay-ng-isang-kanluraning-pinoy.html

Archieviner said...

Ngayon ko lang nabasa to. Makasali nga :)

Anonymous said...

Patulong naman po. Paano po ba magpost ng Saranggola Logo at link ng mga sponsors. Paforward naman po ang sagot sa cap2cornet@yahoo.com. Salamat po.

Blindpen said...

ito po ang aking maikling kwento entry.

http://www.kwentistablog.blogspot.com/2012/09/ang-pagbabalik-maikling-kwento.html

salbehe said...

Eto ang aking entry:

http://salbehe.com/2012/09/saranggolang-mababa-ang-lipad-tekypurr/

MIMIDEAR said...

Magandang Umaga, sana valid po ang entry ko at sakto ang pagsunod sa proseso at panuto ng pagsali.

http://mimi.southcotabato.org/2012/09/ako-si-mimi-laking-timog-kutabato_17.html

Mabuhay ang SBA 2012!

Gracie said...

Nais kong sumubok sa unang pagkakataon.. Para sa Temang Lakbay ngayong taon ng 2012, heto po ang aking lahok para SBA 4.

Pamagat - Wander Sara...
Kategorya - Maikling Kwento
Bilang ng mga Salita - 1867
Link: http://www.graciesnetwork.com/2012/09/wander-sara.html

Kamilkshake said...

ang dami kong tanongggg..san ba pwede magtanong?

Jeddpilyo said...

Magandang araw po! first time ko pong sumali dito... heto po ang aking mga entires.

Pamagat: ASTIG PARE!
Kategorya: Tula
Link: http://jeddpilyo.blog.com/2012/09/23/astig-pare/

Pamagat: Priceless
Kategorya: Maikling kwento
Link: http://jeddpilyo.blog.com/2012/09/23/priceless/

Jeddpilyo said...

Magandang araw po!

First time ko pong sumali sa patimpalak na ito. Narito po ang anking mga entries.

Titulo: ASTIG PARE!
Kategorya: Tula
Link: http://jeddpilyo.blog.com/2012/09/23/astig-pare/

Titulo: Priceless
Kategorya: Maikling kwento
Link: http://jeddpilyo.blog.com/2012/09/23/priceless/

eliment said...

ilang taon kong pinangarap makasali. sa wakas. nakapag-entry din :-)
narito po ang aking opesyal na lahok sa patimpalak na ito.
http://blographics.wordpress.com/2012/09/23/mukha-ng-minalungao.html

pamagat: mukha ng minalungao
kategorya: larawan

McRICH said...

Nais ko rin pong magpalipad ng SARANGGOLA!

Titulo ng Lahok: ISA NA LANG, LALAYAG NA!
Kategorya: Larawan-Postcard
Link: http://blissfullyrich.blogspot.com/2012/09/isa-na-lang-lalayag-na.html

Salamat po :)

tadong daniel said...

Magandang araw!

Maikling kwento
Kung ang utak may boses
http://tadongdaniel.blogspot.com/2012/09/kung-ang-utak-may-boses.html

salamat!

tadong daniel said...

Magandang araw!

Maikling kwento
Kung ang utak may boses
http://tadongdaniel.blogspot.com/2012/09/kung-ang-utak-may-boses.html

salamat!

Jeddpilyo said...

Tanong ko lang po. nakapag-submit na po ako ng Entries para sa Maikling kwento at Tula.

* Pwede pa po bang humabol para sa kategoryang Kwentong Pambata?
* Kung pwede pa, kailangan ko pa po bang sagutan muli yung SBA Application form?

Salamat po ng marami!

KULAPITOT said...

gusto ko sumali ... para maiba nmn

Blindpen said...

pahabol.. ito po ang aking entry sa Kwentong Pambata..

http://www.kwentistablog.blogspot.com/2012/09/pagtatapat.html

Vanessa said...

Entry ko po para sa maikling kwento (SBA 2012):
http://pinakamaswertengnagayuma.tumblr.com/post/32567258279/nokia-3310

Salamat po. Ü

Anonymous said...

Bakit me mga entries hindi nmn sumunod sa rules pero subalit datpwt kasali pa din.

MrJimboy said...

Ang gagaling ng mga may akda! Good luck! :)

TAMBAY said...

Entry po para sa "maikling kwento" category

http://walangmagawasibanjo.blogspot.jp/2012/10/kapilas-ng-aking-sarili.html

salamat po ^^

Kamilkshake said...

Entry ko po sa Blog:

http://tea-cup-for-kamila.blogspot.com/2012/10/ako-si-camille-laking-san-pedro.html#comment-form

Title: Ako si Camille, Laking San Pedro.

Will said...

Entry ko para sa Kategoryang Larawan:
http://www.melikesart.com/2012/09/sayaw-ng-mga-pangil.html

at kategoryang Maikling Kwento:
http://www.melikesart.com/2012/10/ang-pambihirang-buhay-ni-maximo-demetrio.html

bernard umali said...

Babalikan pa naman lahat ng entries, karamihan naman sa mga kulang ay ang di paglalagay ng badge, iisa-isahin pa lahat ng kalahok.

"Ipapaalam sa lahat ng mga sumali kung ang kanilang lahok ay opisyal na tinatanggap Sa Oktubre 20, 2012. Titiyakin ng bumubuo ng SBA na ang lahat ng lumahok ay nakasunod sa panuto."

McRICH said...

Ito po ang aking LAHOK sa Kategoryang BLOG-Sanaysay (Freestyle)

Titulo ng Lahok: Ako si McRICH, Laking MAKATI.
Link: http://blissfullyrich.blogspot.com/2012/10/ako-si-mcrich-laking-makati.html

Salamat po!

Jon Dmur said...

Hello po ^^

Ito na po ang entry ko para sa maikling kwento --

http://jondmur.blogspot.com/2012/10/iwag.html

Thanks po!

polaris-kirsten said...

Maari po bang isali ang iisang entry sa magkaibang kategorya?

polaris-kirsten said...

Ito po ang aking entry para sa Kwentong Pambata:
http://polaris-kirsten.tumblr.com/post/32785446993

Salamat po! :)

noel turbela said...

first timer. eto po yung ilalahok ko para sa patimpalak ngayong taon.

Pamagat: Ang Langit sa Hucay
Maikling Kwento
http://tinylittletobie.tumblr.com/post/32795270771/ang-langit-sa-hucay

sana po magustuhan niyo.

JaY RuLeZ said...

ang aking entry sa kategoryang blog at maikling kwento.

http://www.jayrulez.net/2012/09/ako-si-jay-rulezlaking-isla-de-cabra.html

http://www.jayrulez.net/2012/10/bangka.html

Jenn Shimshimi said...

Sa kauna-unahang pagkakataon, sumali ako sa patimpalak na tulad nito. Kung may oras kayo, ikinagagalak kong malamang nagbigay oras kayong basahin ang entry ko. :)

http://carapherneliaaa.blogspot.com/2012/10/panyo.html

Maraming Salamat! :)

tadong daniel said...

hindi pasok yung gawa ko?

Maikling kwento

kung ang utak may boses

http://tadongdaniel.blogspot.com/2012/09/kung-ang-utak-may-boses.html

salamat!

Anonymous said...

sana tama ang ginawa ko
.hahaha
maikling kwento:
http://kwentongpalaka.blogspot.co.uk/2012/10/jeep-ni-manong.html

lipadlaya said...

makikisali sa paglipad ng saranggola.. salamat..

lahok para sa Kwentong Pambata:

http://lipadlaya.wordpress.com/2012/10/06/si-budong-at-ang-sarimanok/

lipadlaya said...

makikisali sa paglipad ng saranggola,,, salamat

lahok para sa kwentong pambata
http://lipadlaya.wordpress.com/2012/10/06/si-budong-at-ang-sarimanok/

LhanLhan said...

nakasali rin! =)

http://notbuknilhan.blogspot.com/2012/10/pamagat-ina-anak-talon.html

breakEr Drei said...

pasali ako..

kwentong pambata:
http://acwrites.blogspot.com/2012/10/saranggolang-walang-hanggan-ang-pisi.html

polaris-kirsten said...

Ito po ang pahabol ko para sa tula. :)
http://polaris-kirsten.tumblr.com/post/33083431952
salamat!

Zyra said...

Ang haba haba ng application form T_T
Eto po entry: http://adodcespresso.com/2012/10/07/ang-paglalakbay-ni-bernard-higad/

bagotilyo said...

eto po ang aking lahok para sa kategoryang maikling kwento:

Title: Biyaheng Langit

Link: http://bagotilyoako.wordpress.com/2012/10/08/biyaheng-langit/

More power SBA :)

Will said...

Heto na po last kong entry.

http://www.melikesart.com/2012/10/isang-araw-may-diwata.html

Meowfie said...

im gonna try for this ...hold up

iya_khin said...

ito po ang aking lahok para sa SBA4: TULA

http://susulatako.blogspot.com/2012/10/sa-aking-paglisan.html

tabian said...

Unang sabak sa SBA ^________^

Ito po ang aking munting entry sa kategoryang Larawan -

http://tabianmuchtoomuch.blogspot.com/2012/10/ikot-ng-buhay.html

jondmur said...

Sir Bernard ito po ang another entry ko ^^

Kwentong Pambata: Si Toti, ang Bespren ni Bosing
http://jondmur.blogspot.com/2012/10/sba-entries-si-toti-ang-bespren-ni.html

Photo Blog: Balik Tanaw sa Masayang Paglalakbay -
http://jondmur.blogspot.com/2012/10/sba-entries-balik-tanaw-sa-masayang.html

Arvin U. de la Peña said...

Good luck sa lahat na mga sasali...

Reilly Reverie said...

Ang gagaling ng mga lumahok!
Good Luck and God Bless po sa Ating lahat!

buhaypenoy said...

Hello,

Try ko lang sumali for the first time, please inform kung me nalabag ba ako sa panuntunan o need ko palitan yung entry. Isang entry lang ba ang allowed?
heto po ung link ng blog entry ko:
http://buhaypenoy.wordpress.com/2012/10/11/mendiola/

Salamat

Ljay said...

Sana qualified tong entry ko. First time ko eh. Hehe.

http://randomleyy.blogspot.com/2012/10/tiket.html - maikling kwento :)

joeyvelunta said...

Pangalan: Joey Velunta
Kategorya: Larawan
Pamagat: Gabay

http://litratongjoeyvelunta.blogspot.com/2012/10/gabay.html

lipadlaya said...

pahabol na lahok para sa Maikling Kwento:

eto po ang link:

http://lipadlaya.wordpress.com/2012/10/12/ang-mga-bintana-ng-kanilang-mga-kaluluwa-2/

Lio said...

Pangalan: Lio Loco
Kategorya: Tula
Pamagat: VXP713
URL: http://thessddmantra.net/2012/10/12/vxp713/

czarina ventura said...

pangalan: czarina ventura
kategorya: maikling kwento
pamagat: Sapat ng Mapa ang Alaala

http://sheismarredwithink.tumblr.com/post/33476618432/sapat-ng-mapa-ang-alaala

kategorya: tula
pamagat: hanapin mo ang mga lihim na tanawin

http://sheismarredwithink.tumblr.com/post/33477841416/hanapin-mo-ang-mga-lihim-na-tanawin

lipadlaya said...

Sir,

Lahok para sa kategoryang Tula
Pangalan: Erwin Aguila
Pamagat: Ang Paglalayag ng Balangay

http://lipadlaya.wordpress.com/2012/10/13/ang-paglalayag-ng-balangay/

VjVeejayVj said...

Kalahok para sa Maikling Kwento

Pamagat: Mula Facebook hanggang Baler

Link: http://yestorandom.wordpress.com/2012/10/14/mula-facebook-hanggang-baler/

Pala kanton said...

Sir pahabol lang po

Title: Carousel
Kategorya: Photoblog
Link: http://palakanton.blogspot.com/2012/10/carousel.html

Anciro Romana said...

Sir Blue,

Lahok para sa kategoryang Larawan
Pangalan: Anciro Romana
Pamagat: Masalimuot na Paglalakbay Tungo sa Tagumpay

http://www.thebackpackman.com/2012/10/masalimuot-na-paglalakbay-tungo-sa.html

♥_ELITE_♥ said...

Eto na! Papaliparin ko na ang aking mga ilalahok sa taong ito:

Pen Name: Elite
Pamagat: Ang aking makabuluhang Paglalakbay
Kategorya: Maikling Kwento
Url: http://elitefilmstories.blogspot.com/2012/10/ang-aking-makabuluhang-paglalakbay.html


Pen Name: Elite
Pamagat: Mahal Na Araw sa Pinas
Kategorya: Photoblog
Url: http://elitefilmstories.blogspot.com/2012/10/mahal-na-araw-sa-pinas.html

Maraming Salamat! Goodluck sa lahat ng mga kalahok! -xoxo

lipadlaya said...

lahok para sa kategoryang Blog

Pangalan: Erwin Aguila

http://lipadlaya.wordpress.com/2012/10/14/ako-si-obot-laking-anus/

midoriPaws said...

Ito po ang aking lahok

Title: Pulang G Liner
Kategorya: Maikling kwento
Link: http://midoripaws.blogspot.com/2012/10/maikling-kwento-pulang-g-liner.html

joeyvelunta said...

Pangalan:Joey Velunta
Pamagat: Ako si Tolits, laking Canhabagat
Kategorya: Blog

http://joeyvelunta.blogspot.com/2012/10/ako-si-tolits-laking-canhabagat.html

Inong said...

Para sa larawan:

Pangalan: John Ernesto Inong
Pamagat: Pasalubong

http://kumonoy.blogspot.com/2012/10/pasalubong.html

lakwatserong tatay said...

Sir Blue,

Maaari pa po bang humabol para sa katergoryang Larawan.

Pangalan: Brian Benson Aballe
Pamagat: Pag-alala sa mga Namaalam

http://xplorerboyz.blogspot.hk/2012/10/pag-alala-sa-mga-namaalam-by.html

Max Lopez said...

sana may extension kahit 5 days lang
please...

Semidoppel said...

Sir,

Lahok para sa kategoryang "TULA"
Pangalan: John Philip A. Mamaril
Pamagat: Lakbay Diwa sa Panahon ng mga Natatanging Imbensiyon

http://www.semidoppel.com/tulang-lahok-saranggola/6805

lakwatserong tatay said...

Sir maaari pa po bang humabol para sa kategoryang Larawan.

Pangalan: Brian Benson Aballe
Pamagat: Pag-alala sa mga Namaalam

http://xplorerboyz.blogspot.com/2012/10/pag-alala-sa-mga-namaalam-by.html

bekindtoustrolls said...

Sir eto po entry ko na tula sa SBA 4

Ok lang po ba na may mga pictures? Pag hindi po pwede ay tatanggalin ko na lang

http://bekindtoustrolls.wordpress.com/2012/10/15/ang-paglalakbay-ng-mga-bloggers-sa-laguna/

bernard umali said...

Maaari mong ilagay ang mga larawan. Ang mga larawan ay hindi makikita ng mga hurado sapagkat tanging tula lang ang ipapadala sa mga hurado, hindi ang mismong blog.

Post a Comment