RSS

SBA 2013 EXTENDED

Maraming salamat po sa paglahok at pagbibigay interes sa ikalimang taon ng Saranggola Blog Awards.
Nais ko pong ipabatid na ang SBA 2013 ay extended ng limang (5) araw.
(tatanggap tayo hanggang October 20, 2013)
Ibig pong sabihin:
1. Maaari pa kayong magpadala ng entry/ies
2. Maaari nyo ring I edit, dagdagan o baguhin ang nauna na ninyong ipinadala, kailangan lang na I email sa akin ang anumang pagbabago na inyong gagawin. email : saranggolablogawards@gmail.com
3. Maaari nyo pang sabihan ang inyong mga kaibigan na interesado.
Gayundin narito ang ilang mga dapat tandaan:
1. Balikan ang inyong mga lahok at suriing mabuti kung nakasunod sa panuto
    1.1 Nagpadala ba kayo ng application form?
    1.2 Nagpadala ba kayo ng ID picture?
    1.3 Naipadala ba ninyo ang inyong entry sa word format?
    1.4 Nagpadala ba kayo ng facebook note / link ninyo kung sakaling ang inyong mga posts noon ay nasa facebook note at bago pa lang sa blog platform?
   1.5 Nilagay nyo ba ang logo ng SBA at DMCI Homes o youtube video nito bilang sponsor?
   1.6 Nakalink ba ang mga nasabing logo sa kani-kanilang website o di kaya ay inilagay ba ninyo ang link sa ibaba ng  logo sakaling hindi nyo mailink ang logo?
   1.7 Nacheck nyo ba sa blogsite (www.saranggolablogawards.com) ang inyong entry? Pakitingnan kung ito ay nailagay ko sa tamang kategorya o kung opisyal ngang nailagay na sa listahan. kung sakaling wala pa, pakiemail ako at baka nakaligtaan lang.
Bakit may extension?
Ang extension na ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga nagbigay interes na hindi agad natugunan. Ipagpaumanhin sapagkat ang inyong lingkod ay madalas nasa byahe na kinailangan sa aking trabaho.
Bakit 5 araw lang?
Sapat na ito upang makahabol ang ilang nais humabol, gayundin bilang pagbibigay halaga sa bilang 5 (limang taon ng SBA)
 * Ang extension na ito ay para lamang sa SBA 18 years old and above. Sapagkat walang sapat na bilang na lumahok (walang lumahok) sa 13 - 17 years old, hindi na muna natin itutuloy ang SBA jr. sa taong ito.

Muli maraming salamat sa pagtangkilik!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

5 comments:

pinayunlimited said...

Maraming salamat SBA!

At ngayo'y napaisip akong sumali sa iba pang kategorya... hmmm
Sana'y dapuan ng kasipagan :-)

Goyo said...

Mukhang iniimbitahan talaga akong sumali. Loljk.

Senyor Iskwater said...

Sobrang daming magagaling ang sumali!

busyok said...

ayun. may extension pa!

mga espasyo said...

Cool!

Post a Comment