RSS

Saranggola Blog Awards 2014

"Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”

Kategorya para sa Saranggola Blog Awards 2014 (18 taong gulang pataas)

Kategorya

  • Maikling kwento 
  • Kwentong pambata 
  • Tula 
  • Blog / Sanaysay 
  • Liham

Petsa ng Patimpalak : Oktubre 9, 2014 - Nobyembre 15, 2014


Kalahok
  1. Filipino citizen, 18 years old pataas
  2. nasa loob o labas ng Pilipinas
  3. matagal na o baguhang blogger (blogspot, wordpress, self-host, tumblr, multiply, *facebook note o kahit anong social media)
  4. Maaaring sumali kahit ang blog ay nasa wikang Ingles o anumang dayalekto. 
  5. Para sa mga baguhang blogger, kinakailangang may naipost na 3 blog sa taong ito bago ang Oktubre  9, 2014.
  6. Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito.
Ang entry ay kailangang ilagay sa isang blog platform gaya ng wordpress at blogspot. Kung nasa facebook note ang entry, mangyaring ilipat ito sa nasabing platform. Ang pagsama sa Facebook Note sa listahan sa itaas ay para lamang sa mga nagtatanong kung pwede silang matawag na blogger kung facebook note ang gamit nila. Ang layunin natin ay mahikayat ang mga blogger na magsulat nang nasa wikang Filipino sa online platform kaya tinuturing nating ang facebook note ay isang basehan sa pagiging blogger subalit nais nating ipalipat ito sa ibang platform upang mas mabasa ng nakararami. Madalas kasi ay naka pribado  ang "setting" ng mga gumagamit ng facebook kaya nahihirapan kami at ang hurado na basahin at siguruhing sumunod sa patakan ang kanilang entry




Mga Kategorya

Pagsulat ng Tula
  1. Gumawa ng isang tula na may temang Wikang Filipino.
  2. Maaaring may sukat, maaari ring malaya, kahit gaano kahaba.
  3. Ipost bilang isang blog entry.
  4. Ang pamagat ng tula ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng tula na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 6 at nakalink sa www.sba.ph

Maikling Kwento
  1. Kahit anong paksang may kinalaman o iikot sa "Kilig Pag-ibig". Kwentong magpapangiti, magpapakilig at magsasabing masarap ang umibig. Ang layunin ay mapakilig ang mambabasa lalo na ang mga hurado.
  2. Gumamit ng plot at tiyaking sangkap ang bawat elemento ng maikling kwento.
  3. HINDI hihigit sa 3000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat sobrang isang daang (100) salita.
  4. Ang pamagat ng maikling kwento ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa      baba ng maikling kwento na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 6 at nakalink sa www.sba.ph.

Kwentong Pambata
  1. Kwentong Pambata na tatalakay sa kahalagahan, limitasyon at mga dapat isaalang-alang  ng "Social Media" 
  2. Kwento Pambata para sa mga batang nasa edad 12 pababa
  3. HINDI hihigit sa 1500 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat Limampung (50) sobrang salita.
  4. May salitang angkop sa mga bata.
  5. Ang pamagat ng kwentong pambata ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat      sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 6 at nakalink sa www.sba.ph.

Kategoryang Blog / Sanaysay  - Pilipinas 2030


  • Sanaysay na tatalakay sa Kalagayan ng Pilipinas sa Taong 2030
  • Bilang blogger, ano ang nakikita mong dapat na gawin ng ating pamahalaan upang mabawasan ang kahirapan? Maging sariwa muli ang hangin? Matugunan ang pagbabago ng klima? Maging panatag ang kalooban ng mga tao? Maging maliit ang agwat ng mahirap at mayaman? Para saiyo, ano ang kaunlaran? Para saiyo, ano ang pwede nating gawin para mapakinabangan ng susunod na henerasyon ang mga itinatanim natin sa kasalukuyan? 
  • HINDI hihigit sa 3000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat Isandaang (100) sobrang salita.
  • Ang pamagat ng Sanaysay ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 6 at nakalink sa www.sba.ph.

Upang mas lalong maintindihan ang paksang ito, basahin ang kaisipan sa ibaba:

“Tayo na, sama-sama sa hinaharap na mapayapa, maunlad, masaya. Walang iwanan.”

Noong 2000, nagkasundo ang maraming bansa sa mundo na magkaroon ng mga hangaring pangkaunlaran na sisikaping makamit sa taong 2015. Ito ang tinatawag na Millenium Development Goals (MDGs) na sinang-ayunan maging ng Pilipinas. Kabilang sa mga hangarin na ito ay ang:
  1. Sugpuin ang matinding kahirapan at kagutuman  
  2. Isagawa ang pangkalahatang primaryang edukasyon
  3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay at pagbibigay ng kapangyarihan sa mga babae
  4. Bawasan ang dami ng namamatay na bata
  5. Paunlarin ang pang-inang kalusugan (maternal health)
  6. Labanan ang HIV/AIDS, malarya, at mga iba pang sakit
  7. Tiyakin ang kapanatilihang pangkapaligiran
  8. Paunlarin ang pandaigdigang pagsasama ukol sa kaunlaran
Nagtaya ang Pilipinas noong 2000 na magagawa natin ang mga hangarin na ito pagdating ng 2015, ngunit marami sa mga hangarin na ito ang hindi nakamit ng ating bansa. Halimbawa nag-target tayo na mabawasan ng kalahati ang mahihirap sa Pilipinas (mula sa 36% poverty incidence noong 2000, gawing 16% sa 2015), ngunit sa ngayon ay malayo pa tayo sa target (nasa  25% ngayon) at inamin na ng pamahalaan na hindi ito makakamit sa 2015.

Dahil dito, mas lalo pa tayong dapat na hindi tumigil na mapabuti ang kalagayan ng mga tao sa Pilipinas. Sa ngayon, may mga panibagong mga hangarin na binubuo, at ito ang tinatawag na Post-2015 Development Agenda o tatawagin sa kalaunan na Sustainable Development Goals. Nilalayon nito na paangatin ang kalagayan ng mga mahihirap, kababaihan, kabataan, kalikasan at iba pa pagdating ng taong 2030. Magkakaroon muli ng mga pagtataya ang ating pamahalaan bilang pakikiisa sa pandaigdigang hangarin na ito. At dito ay kailangan ang ating boses na maisama, boses ng mga mamamayan.

Mahalaga ang papel ng social media upang maipaabot ang kahilingan ng bawat Pilipino. Na sa lahat ng mga pag-uusap tungkol dito, sana matulungan natin na hindi naiiwan ang mga mismong mamamayang nakakaranas ng hagupit ng bagyo, ng araw-araw na pagkaranas ng pagkagutom, mga kumakain ng pagpag, mga nahihirapan magpaaral sa mga anak, namamatay dahil walang perang pampagamot, napepeste ang mga tanim, at iba pa. Sa bawat boses na naipaparinig natin, nakakatulong tayo upang mas mabuti ang ating sarili, ang ating bansa at buong mundo.


Para sa ilang mga links (global) tungkol sa usaping ito:
http://www.whiteband.org
http://www.worldwewant2015.org
http://www.action2015.org



Kategoryang Liham:  Liham ng Isang OFW


  • Gumawa ng Bukas na Liham isang Overseas Filipino Workers. 
  • Tiyaking ang liham ay magpapakita ng kabutihan, pagmamahalan,, aral at hindi makakapanakit sa damdamin ng tinutukoy o sinusulatan.
  • Bukas Ito sa lahat ng OFW. Kinakailangang ang kalahok ay nasa ibang bansa.
  • HINDI hihigit sa 2000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat isandaang (100) sobrang salita.
  • Ang pamagat ng inyong lahok ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 6 at nakalink sa www.sba.ph

Paraan ng Pagsali

  1. Ang lahat ng entry ay nasa Filipino. 
  2. Kumuha ng application form sa pamamagitan ng pag email sa saranggolablogawards@gmail.com.
  3. Tiyaking sa inyo ang ilalahok at hindi kinopya ng buo o kahit bahagi lamang ng ibang akda. 
  4. Isang entry lang ang maaaring i-blog sa bawat kategorya subalit maaaring sumali sa lahat ng kategorya
  5. Kinakailangang bago ang lahat ng entries at hindi pwede ang naipost na sa inyong blog.
  6. Ipost ang inyong entry mula Oktubre  9, 2014 - Nobyembre 15, 2014.
  7. Ang lahat ng entries ay ipopost din sa www.sba.ph sa Nobyembre 15, 2014 at nakalink din sa inyong blogsite.
  8. Lahat ng isasaling entry ay kinakailangan ding i-email sa organizer sa saranggolablogawards@gmail.com, dapat ay nakaattached o nakasulat sa word ang entry. Ang inyong entry na nasa word file ang gagamitin o babasahin ng mga hurado sa pagpili ng mga magwawagi. Magpadala rin ng  1X1 id pic kasama ng entry.
  9. Ibigay / ilagay ang address ng inyong facebook account. Sa mga walang facebook account, magpadala ng katibayan ng pagkatao gaya ng scanned government ID, company ID o school ID.
  10. Tiyaking parehas ang ibablog na entry sa inyong ipadadala. Hindi na maaaring i- edit o baguhin ang anumang entry na ilalahok.
  11. Ipaalam sa organizer kung sakaling magbabago kayo ng blog address.
  12. Kinakailangan ding ilagay sa inyong blog; maaaring sa loob ng blog entry o sa mga sidebar ang saranggola blog awards logo at ang mga logo ng sponsor na nakalink patungo dito.
  13. Tinitiyak ng organizer na ang orihinal na may akda ay hindi mawawala sa pagkilala sa orihinal na gumawa ng entry/entries.
  14. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.
  15. Ipapaalam sa lahat ng mga sumali kung ang kanilang lahok ay opisyal na tinatanggap  Sa Nobyembre 30, 2014. Titiyakin ng bumubuo ng SBA na ang lahat ng lumahok ay nakasunod sa panuto.
  16. Maaaring makasama ang inyong lahok sa paglathala ng mga nagwagi sa taunang SBA sa mga susunod na araw / taon. Hihingin ang inyong pahintulot sakaling buuin bilang isang aklat ang mga lahok / entries ng SBA.
  17. Ang Saranggola Blog Awards ay walang pananagutan kung sakaling ang mga akda ay napag-alamang kinopya lamang ng mga lumahok. Gayunman, kung mapapatunayan na ito ay hindi orihinal, agad na aalisin sa listahan ng mga kalahok at babawiin ang pagkilala sakaling manalo ang mga akdang hindi orihinal na ginawa.

Paano Pipiliin ang mananalo
  1. Ang lahat ay dadaan sa masusing pagpili ng ating mga  hurado.
  2. Ang magkakamit ng pinakamataas na puntos mula sa mga hurado ang tatawaging Bloggaling!
Karangalan Para sa SBA 
  1. Ang magwawagi sa bawat kategorya ay magkakamit ng
    1. recognition badge sa kanilang website / blog
    2. P5,000 cash
    3. special commemorative award
  1. Ang ikalawa at ikatlong pwesto ay tatanggap ng
    1. Sertipiko ng karangalan
    2. Recognition badge sa kanilang website / blogsite
Ilagay ang logo ng Saranggola Blog Awards sa ibaba ng inyong blogpost post entry o sa sidebar ng blog at ilink ito sa www.sba.ph upang maging opisyal ang inyong lahok.



Ilagay din ang logo ng ating sponsors (gamitin ang code) sa ibaba ng inyong blogpost entry/ sidebar upang maging opisyal ang inyong lahok.


 Kopyahin ang code sa ibaba at ilagay sa inyong blogpost habang ito ay naka html mode
 <a href="http://www.dmcihomes.com/" rel="nofollow" target="_blank"><img border="0" src="http://4.bp.blogspot.com/-gY4c3kQRg0g/VDdSb1zSM3I/AAAAAAAABAM/2bbfIvrDYAs/s1600/2dmci.jpg" /></a><a href="http://www.taragis.com/" rel="nofollow" target="_blank"><img border="0" src="http://1.bp.blogspot.com/-Ul33_pqhAFA/VDdSn4hGguI/AAAAAAAABAU/SjcyWATJK6g/s1600/2taragis.jpg" /></a><a href="http://www.action2015.org/" rel="nofollow" target="_blank"><img border="0" src="http://3.bp.blogspot.com/-LBiGMgL9Bnw/VDdSvLfztUI/AAAAAAAABAg/vU3NCAUCprs/s1600/2imove.jpg" /></a><a href="https://www.facebook.com/kahirapan.wakasan" rel="nofollow" target="_blank"><img border="0" src="http://2.bp.blogspot.com/-WTQ_amRKM0k/VDdSy_yZ6gI/AAAAAAAABAo/5fuEjqd2nt4/s1600/2kw.jpg" /></a><a href="http://www.pinoyblogawards.com/" rel="nofollow" target="_blank"><img border="0" src="http://3.bp.blogspot.com/-NF4bwh-ChXM/VDdS2ujtZkI/AAAAAAAABAw/dK_1FfO9Ni4/s1600/2peba.jpg" /></a><a href="http://www.thedailypedia.com/" rel="nofollow" target="_blank"><img border="0" src="http://1.bp.blogspot.com/-ER6-JOV-cmY/VDp-QYBFOkI/AAAAAAAABBk/1bVu02mbkIQ/s1600/2dp.jpg" /></a>
email : saranggolablogawards@gmail.com
           bernardumali@gmail.com

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

7 comments:

pinayunlimited said...

Sa wakaaaaas nagbalik na! Mabuhay ang mga Pilipinong manunulat! ^_^

Ariston Dela Cruz said...

Excited na ako. Sasali ako ulit kahit hindi ako pinalad last time.

grinjam said...

Goodluck sa mga makatang pinoy bloggers!

Jermaine Delos Santos said...

Valid bang blog site ang CMS na Weebly bilang platform ng blogger para dito sa contest?

foobarph said...

ipinasa ko na rin ito sa email. pero just in case, post ko na rin dito for promotion. haha!

http://foobarph.wordpress.com/2014/11/18/a-e-i-o-u/

Barok said...

Kelan ho malalaman ang list of entries? And more importantly, kelan ho mapa-publish yung list of winners? Thanks, and happy new year to all!

Red said...

Pangalawang paglahok ko na ito...di man palaring magwagi walang problema...ang makabahagi lang sa ganitong patimpalak ay isa ng malaking karangalan...matagal tagal na akong di nakakagawa ng tula pati ang pagbablog kaya nakakatuwang muli ay narito ako.

Narito ang link ng aking lahok...https://buhaypenoy.wordpress.com/2015/10/16/buhay-manggagawa/

Post a Comment