RSS

Saranggola Blog Awards 2015

"Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”

Kategorya para sa Saranggola Blog Awards 2015

Kategorya

• Maikling kwento
• Kwentong pambata
• Tula
• Pagsulat ng Panukalang Proyekto : Konseptong Papel
• Sampung Libong Pangarap Para sa Edukasyon

Petsa ng Patimpalak : Setyembre 21, 2015 - Oktubre 31, 2015

Kalahok
1. Filipino citizen, 18 years old pataas - (18 years old bago mag Dis 19, 2015)
2. nasa loob o labas ng Pilipinas
3. matagal na o baguhang blogger (blogspot, wordpress, self-host, tumblr, multiply, *facebook note o kahit anong social media)
4. Para sa mga baguhang blogger, kinakailangang may naipost na 3 blog sa taong ito bago ang Setyembre 21, 2015.
5. Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito.

EXTENDED !!!!

Hanggang Disyembre 5, 2015

Pagsulat ng Panukalang Proyekto : Konseptong Papel
"Sampung Libong Pangarap Para sa Edukasyon"

Ano ang kasalukuyang halaga ng Sampung Libong Piso?
Saan makararating at paano magagamit nang makabuluhan ang halaga nito?
1. Sumulat ng Simpleng Konseptong Papel na may proyektong magtataguyod sa edukasyon.
2. Ang proyekto ay kinakailangang nagkakahalaga ng hindi hihigit sa Sampung Libong Piso (P10,0000).
3. Maaaring makipagtulungan sa isang organisasyong pampaaralan, sibiko, pansimbahan o anumang samahan na may mithiing itaguyod ang proyektong iyong nasa isip.
4. Ang proyekto ay kailangang maisagawa sa loob ng anim na buwan.
5. Isulat ang proyekto gamit ang Panukalang Papel (Concept Paper template) na makukuha o mahihingi sa SBA - saranggolablogawards@gmail.com.
6. Matapos ipadala ang iyong panukalang proyekto, ipost sa blog na ikaw ay lumahok sa Kategoryang ito. Ilagay sa pamagat ng blog ang Sampung Libong Pangarap Para sa Edukasyon.
7. Ilagay  sa blog ang  "Pagsulat ng Panukalang Proyekto" at ilagay sa ibaba  na ito ay inyong lahok sa Saranggola Blog Awards 7 at nakalink sa www.sba.ph.
8. Huwag munang ipost ang nilalaman ng proyekto hangga't hindi natatapos ang patimpalak.  Hintayin ang hudyat ng SBA kung kailan ito maaaring ipost upang hindi makopya ang mga ideya.
9. Ang mapipili ay pagkakalooban ng P10,000 na gagamitin para isakatuparan ang proyekto.
10. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
11. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.
12. Ang mapipiling proyekto ay susubaybayan ng SBA at kailangang iblog ng kalahok na nanalo upang makita ang direksyon at proseso ng programa hanggang sa ito ay maisakatuparan.

Mga Kategorya (SARADO NA)

Pagsulat ng Tula
*Diona

Sumulat ng pitong (7) Diona na tumatalakay sa Pagka-Pilipino; buhay at gawi o maging pang araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
1. Ipost bilang isang blog entry.
2. Lagyan ng isang pamagat ang blog.
3. Isulat sa ibaba ng tula na ito ay lahok sa sa Saranggola Blog Awards 7 at nakalink sa www.sba.ph.
4. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
5. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.
*Ang Diona ay  katutubong tula ng mga Pilipino  na may Pitong (7) pantig sa bawat taludtod. Ito ay may tatlong taludtod ay may isahang tugmaan,

halimbawa

Saranggola'y lumipad
bitbit ang sawimpalad
pusong ikaw ang hangad.

Maikling Kwento ng Kabutihan ng Tao
1. Maikling Kwento na nagtataguyod sa dangal ng mga tao. Kwento ng inspirasyon, kadakilaan, pag-asa at kalikasan ng mga tao bilang mabuting mga nilalang.
2. Gumamit ng plot at tiyaking sangkap ang bawat elemento ng maikling kwento.
3. HINDI hihigit sa 3000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat sobrang isang daang (100) salita.
4. Ang pamagat ng maikling kwento ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa      baba ng maikling kwento na ito ay inyong lahok sa Saranggola Blog Awards 7 at nakalink sa www.sba.ph.
5. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
6. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.

Kwentong Pambata
Pabula
1. Kwentong Pambata na magtatampok sa mga hayop bilang tauhan.
2. Kwento Pambata para sa mga batang nasa edad 12 pababa
3. HINDI hihigit sa 1500 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat Limampung (50) sobrang salita.
4. May mga salita at aral na angkop sa mga bata.
5. Ang pamagat ng kwentong pambata ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat      sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola Blog Awards 7 at nakalink sa www.sba.ph.
6. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
7. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.

Paraan ng Pagsali

1. Ang lahat ng entry ay nasa Filipino.
2. Kumuha ng application form sa pamamagitan ng pag email sa saranggolablogawards@gmail.com.
3. Tiyaking sa inyo ang ilalahok at hindi kinopya ng buo o kahit bahagi lamang ng ibang akda.
4. Isang entry lang ang maaaring i-blog sa bawat kategorya subalit maaaring sumali sa lahat ng kategorya
5. Kinakailangang bago ang lahat ng entries at hindi pwede ang naipost na sa inyong blog.
6. Ipost ang inyong entry mula Setyembre 21, 2015 - Oktubre 31, 2015.
7. Ang lahat ng entries ay ipopost din sa www.sba.ph sa Nobyembre 15, 2015 at nakalink din sa inyong blogsite.
8. Lahat ng isasaling entry ay kinakailangan ding i-email sa organizer sa saranggolablogawards@gmail.com, dapat ay nakaattached o nakasulat sa word ang entry. Ang inyong entry na nasa word file ang gagamitin o babasahin ng mga hurado sa pagpili ng mga magwawagi. Magpadala rin ng  1X1 ID pic kasama ng entry.
9. Ibigay / ilagay ang address ng inyong facebook account. Sa mga walang facebook account, magpadala ng katibayan ng pagkatao gaya ng scanned government ID, company ID o school ID.
10. Tiyaking parehas ang ibablog na entry sa inyong ipadadala. Hindi na maaaring i- edit o baguhin ang anumang entry na ilalahok.
11. Ipaalam sa organizer kung sakaling magbabago kayo ng blog address.
12. Kinakailangan ding ilagay sa inyong blog; maaaring sa loob ng blog entry o sa mga sidebar ang saranggola blog awards logo at ang mga logo ng sponsor na nakalink patungo dito.
13. Tinitiyak ng organizer na ang orihinal na may akda ay hindi mawawala sa pagkilala sa orihinal na gumawa ng entry/entries.
14. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.
15. Ipapaalam sa lahat ng mga sumali kung ang kanilang lahok ay opisyal na tinatanggap  Sa Nobyembre 15, 2015. Titiyakin ng bumubuo ng SBA na ang lahat ng lumahok ay nakasunod sa panuto.
16. Maaaring makasama ang inyong lahok sa paglathala ng mga nagwagi sa taunang SBA sa mga susunod na araw / taon. Hihingin ang inyong pahintulot sakaling buuin bilang isang aklat ang mga lahok / entries ng SBA.
17. Ang Saranggola Blog Awards ay walang pananagutan kung sakaling ang mga akda ay napag-alamang kinopya lamang ng mga lumahok. Gayunman, kung mapapatunayan na ito ay hindi orihinal, agad na aalisin sa listahan ng mga kalahok at babawiin ang pagkilala sakaling manalo ang mga akdang hindi orihinal na ginawa.

Paano Pipiliin ang mananalo
1. Ang lahat ay dadaan sa masusing pagpili ng ating mga  hurado.
2. Ang magkakamit ng pinakamataas na puntos mula sa mga hurado ang tatawaging Bloggaling!

Karangalan Para sa SBA

Ang magwawagi sa mga kategoryang Maikling Kwento, Kwentong Pambata at Tula ay magkakamit ng
1. recognition badge sa kanilang website / blog
2. P5,000 cash
3. special commemorative award
Ang ikalawa at ikatlong karangalan ay tatanggap ng

a. Sertipiko ng karangalan
b. Recognition badge sa kanilang website / blogsite

Ang magwawagi sa mga kategoryang Panukalang Proyekto : Konseptong Papel ay magkakamit ng
1. recognition badge sa kanilang website / blog
2. P10,000 cash na gagamitin para sa proyekto
3. special commemorative award

Ilagay ang logo ng Saranggola Blog Awards sa ibaba ng inyong blogpost post entry o sa sidebar ng blog at ilink ito sa www.sba.ph upang maging opisyal ang inyong lahok.

Ilagay din ang logo ng ating sponsors (gamitin ang code) sa ibaba ng inyong blogpost entry/ sidebar upang maging opisyal ang inyong lahok.

email : saranggolablogawards@gmail.com

• Digg
• Del.icio.us
• StumbleUpon
• Reddit
• RSS