RSS

Ispesyal na Patimpalak : Nuno sa Puso Advice Writing Contest



Magandang araw!

Dahil pumatok ang unang edisyon ng patimpalak na Pagbibigay-Payo sa Pag-ibig, muli po namin itong inihahandog sa inyo.

Pero sa pagkakataong ito, hindi para sa suliranin sa pag-ibig ang payo na kailangang isulat. This time, para naman sa suliranin sa pamilya.

Alam naman natin na hindi lang pag-ibig ang nagpapakunot sa ating noo, ang nagpapa-wrinkles sa ating mukha o nagpapakirot sa ating mga puso, maging ang pamilya natin, kayang-kayang gawin iyan! Unfortunately.

Paano ka nga naman mapapakali kung ang taong dapat mong kausapin tungkol sa bumabagabag sa iyo ay iyon mismong nagdudulot ng bagabag?! Naku. Ano, ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon?

Ang sagot diyan ay puwede mo nang isali bilang entry sa isa sa mga patimpalak na handog ng Saranggola Blog Awards ngayong 2016: ang Nuno sa Puso Advice Writing Contest!

Heto ang mechanics:

1.      Magsulat ng isang problema tungkol sa pamilya.
2.      Magsulat ng payo para sa naisip mong problema tungkol sa pamilya.
3.      Bahala ka sa estilo at diskarte. Puwedeng totoo ang problema, kung batay ito sa iyong buhay o sa buhay ng kapamilya o kaibigan, puwede rin.
4.      Hanggang 2,500 lang ang word count ng pinagsamang problema at payo.
5.      Wikang Filipino ang gagamitin.
6.      Puwedeng pambata, puwedeng pangmatanda at puwedeng may "patnubay ng magulang ay kailangan" sa isusulat na problema at payo.
7.      Problema at payo, hindi kuwento. Magkaiba ‘yan.
8.      Para ito sa mga Pinoy na labing-apat (14) na taong gulang pataas.
9.      Ang copyright ng lahat ng entry at winning entry ay mananatili sa kumatha. Dapat lang! At dahil copyright advocate ang mga nasa likod ng patimpalak natin. Eks di!

Paano sumali?
1. Isulat ito sa iyong blog. Kahit bagong gawang blog ay puwedeng isali rito.
2. Mag-comment sa baba at ilagay ang link ng iyong isinulat.
3. Siguraduhing ikaw ang gumawa ng entry at hindi ito kinopya lang. Tandaan: ang mga kopyador ay isusumpa ng mga taga-SBA forever!
4. Sa baba ng iyong isinulat, ilagay ang link ng Saranggola Blog Awards (www.sba.ph).
5. I-share mo ang blog mo sa Facebook, Twitter at ipa pang social media.
6. Hindi ito paramihan ng likes at share. Kailangan mo lang itong i-share dahil ‘yon ang silbi ng payo, di ba, ang makaabot sa iba at hindi para amagin lang sa blog mo :)

Sali na!

Ano ang premyo?
1. Ang mapipiling pinakamahusay na problema at payo ay kikilalaning "the next Charo Santos-Concio at maghohost ng Maalaala Mo Kaya. Siyempre, recycled joke ‘to. Nagamit na namin ito sa… unang edisyon ng ating patimpalak, haha!

2. Ang totoong premyo ay P2,000, yes, cash, at isang set ng Nuno sa Puso books ni Beverly Siy. Siyempre, may dedication ‘yan. Bale, 2,500 din ang word count ng dedication, haha. Joke!

Ang hurado ay si Beverly Siy pa rin, wala kang kawala, sori. Bakit? Siya ang makabagong diwata ng pamilya. At pag-ibig! Siya rin kasi ang nag-rewrite ng deskripsiyon na ito, aha!

Wala (pa rin) siyang doctorate sa psychology at wala ring expertise sa love and family, ni hindi nga siya marriage counselor.

Pero…

marami na siyang naranasan sa usaping pampamilya. Hindi lahat ay naging maganda. Hindi perfect ang buhay niya, lalo na ang sarili niyang nuclear family. Pero perfect siyang judge sa ating patimpalak dahil sipsip siya, este, dahil hinigop niya ang lahat ng puwedeng matutuhan mula sa pagiging anak, ate, kapatid, at ina sa sarili niyang pamilya. At nais niyang maibahagi sa iba ang kanyang mga natutuhan.

Ano pa ba?

Two years na siyang kasal. Dalawa rin ang kanyang panganay. (Huwat da ef!)

Mas makikilala siya sa kanyang mga isinulat na libro: ang It’s a Mens World, It’s Raining Mens at Nuno sa Puso I and II.

Bukas ang patimpalak na ito mula ika-27 ng Pebrero hanggang ika-27 ng Marso.

Ang awarding ay isasabay sa awarding ceremony ng Saranggola Blog Awards 2016. Magaganap ito sa ikatlong Sabado ng Disyembre. Markahan na ang inyong kalendaryo!

Ang patimpalak na ito ay handog nina Bernard Umali at Beverly Siy. Him sa cash, her sa books.


Op kors, sali na!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

3 comments:

BrainRays said...

Kung ang maximum word count po ay 2,500, meron po bang minimum word count? Maraming salamat.

Bryan Reyes said...

https://brainrays.wordpress.com/2016/03/15/payong-kaibigan/

Jord Earving Gadingan said...

waaah ngayon ko lang nakita :(

Post a Comment