RSS

Saranggola Blog Awards 2017


"Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”

Kategorya para sa Saranggola Blog Awards 2017 

Kategorya

  • Maikling kwento 
  • Kwentong pambata 
  • Tula 
  • Sanaysay
  • Ispesyal na Kategorya

Petsa ng Patimpalak : Setyembre 1, 2017 - Oktubre 15, 2017


Kalahok
  1. Filipino citizen, 18 years old pataas - (18 years old bago mag Dis 16, 2017)
  2. nasa loob o labas ng Pilipinas
  3. matagal na o baguhang blogger (blogspot, wordpress, self-host, tumblr, multiply, *facebook note o kahit anong social media) 
  4. Para sa mga baguhang blogger, kailangan munang may maisulat na 3 akda (alinman sa sumusunod: tula, kwento, kwentong pambata o sanaysay) bago ang iyong ipapasang lahok.
  5. Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito.





Pagsulat ng Tula 
"Karatula"



      Sumulat ng tatlong (3) tula na may paksang Karatula. Paliparin ang imahinasyon. Anong mga paksa ang maiisip mo sa salitang "Karatula"
  1. Ipost bilang isang blog entry at lagyan ito ng pamagat
  2. Tatlong tula na may tatlong pamagat ang laman ng gagawing blog post.
  3. Isulat sa ibaba ng tula na ito ay lahok sa sa Saranggola Blog Awards 9 at nakalink sa www.sba.ph.
  4. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
  5. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.


Maikling Kwento
"Eskinita"
  1. Maikling Kwento na may paksang "Eskinita" 
  2. Maging malikhain, lumikha ng akda na may paksang nakikita, nakukuha o nagaganap sa eskinita.
  3. Gumamit ng plot at tiyaking sangkap ang bawat elemento ng maikling kwento.
  4. HINDI hihigit sa 3000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat sobrang isang daang (100) salita.
  5. Ang pamagat ng maikling kwento ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa      baba ng maikling kwento na ito ay inyong lahok sa Saranggola Blog Awards 9 at nakalink sa www.sba.ph.
  6. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
  7. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.

Kwentong Pambata 
"Idolo"
  1. Kwentong Pambata na may paksang "Idolo".
  2. Kwento Pambata para sa mga batang nasa edad 12 pababa
  3. HINDI hihigit sa 1500 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat Limampung (50) sobrang salita.
  4. May mga salita at aral na angkop sa mga bata.
  5. Ang pamagat ng kwentong pambata ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat      sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola Blog Awards 9 at nakalink sa www.sba.ph.
  6. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
  7. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.

Sanaysay
"Sachet"  
  1. Sanaysay na tatalakay sa mga sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa usaping droga.
  2. HINDI hihigit sa 3000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat Isandaang (100) sobrang salita.
  3. Ang pamagat ng Sanaysay ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 9 at nakalink sa www.sba.ph.
  4. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
  5. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.

Ispesyal na Kategorya 
"Fake News"


  1. Sumulat ng blog na tutulong upang maipaliwanag kung ano ang fake news at paano ito makikilala.
  2. Maaaring ito ay listahan o hakbang kung paano mapipigilan ang paglaganap ng fake news.
  3. Maaari ring ito ay naglalaman ng gabay kung paano maitatama ang ang mga fake news at posibleng maidulot ng pagtangkilik ng mga fake news..
  4. Maaari ring magbigay ng paraan upang maging mapanuring mambabasa.
  5. Piliing mabuti ang salita at iwasang makasakit ng damdamin o makapanira ng kapwa.
  6. Pumili ng angkop na pamagat.
  7. Kinakailangang isulat      sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola Blog Awards 9 at nakalink sa www.sba.ph.
  8. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
  9. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.


  1. Ang lahat ng entry ay nasa Filipino. 
  2. Kumuha ng application form sa pamamagitan ng pag email sa saranggolablogawards@gmail.com.
  3. Tiyaking sa inyo ang ilalahok at hindi kinopya ng buo o kahit bahagi lamang ng ibang akda. 
  4. Isang entry lang ang maaaring i-blog sa bawat kategorya subalit maaaring sumali sa lahat ng kategorya
  5. Kinakailangang bago ang lahat ng entries at hindi pwede ang naipost na sa inyong blog.
  6. Ipost ang inyong entry mula Setyembre 1, 2017 - Oktubre 15, 2017.
  7. Lahat ng isasaling entry ay kinakailangan ding i-email sa organizer sa saranggolablogawards@gmail.com, dapat ay nakaattached o nakasulat sa word ang entry. Ang inyong entry na nasa word file ang gagamitin o babasahin ng mga hurado sa pagpili ng mga magwawagi. Magpadala rin ng  1X1 ID pic kasama ng entry.
  8. Ibigay / ilagay ang address ng inyong facebook account. Sa mga walang facebook account, magpadala ng katibayan ng pagkatao gaya ng scanned government ID, company ID o school ID.
  9. Tiyaking parehas ang ibablog na entry sa inyong ipadadala. Hindi na maaaring i- edit o baguhin ang anumang entry na ilalahok.
  10. Ipaalam sa organizer kung sakaling magbabago kayo ng blog address.
  11. Kinakailangan ding ilagay sa inyong blog; maaaring sa loob ng blog entry o sa mga sidebar ang saranggola blog awards logo at ang mga logo ng sponsor na nakalink patungo dito.
  12. Tinitiyak ng organizer na ang orihinal na may akda ay hindi mawawala sa pagkilala sa orihinal na gumawa ng entry/entries.
  13. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.
  14. Ipapaalam sa lahat ng mga sumali kung ang kanilang lahok ay opisyal na tinatanggap  Sa Nobyembre 15, 2017. Titiyakin ng bumubuo ng SBA na ang lahat ng lumahok ay nakasunod sa panuto.
  15. Maaaring makasama ang inyong lahok sa paglathala ng mga nagwagi sa taunang SBA sa mga susunod na araw / taon. Hihingin ang inyong pahintulot sakaling buuin bilang isang aklat ang mga lahok / entries ng SBA.
  16. Ang Saranggola Blog Awards ay walang pananagutan kung sakaling ang mga akda ay napag-alamang kinopya lamang ng mga lumahok. Gayunman, kung mapapatunayan na ito ay hindi orihinal, agad na aalisin sa listahan ng mga kalahok at babawiin ang pagkilala sakaling manalo ang mga akdang hindi orihinal na ginawa.

Paano Pipiliin ang mananalo
  1. Ang lahat ay dadaan sa masusing pagpili ng ating mga  hurado.
  2. Ang magkakamit ng pinakamataas na puntos mula sa mga hurado ang tatawaging Bloggaling!

Karangalan Para sa SBA 


Ang magwawagi sa mga kategoryang Maikling Kwento, Kwentong Pambata, Sanaysay, Tula at "Hugot Lines" ay magkakamit ng
    1. recognition badge sa kanilang website / blog
    2. P5,000 cash
    3. special commemorative award
Ang ikalawa at ikatlong karangalan ay tatanggap ng

              a. Sertipiko ng karangalan
              b. Recognition badge sa kanilang website / blogsite




    Ilagay ang logo ng Saranggola Blog Awards sa ibaba ng inyong blogpost post entry o sa sidebar ng blog at ilink ito sa www.sba.ph upang maging opisyal ang inyong lahok.

    Ilagay din ang logo ng ating sponsors sa ibaba ng inyong blogpost entry/ sidebar upang maging opisyal ang inyong lahok. (abangan ang listahan ng mga bloggers)




    
    


    
    


    email : saranggolablogawards@gmail.com

    • Digg
    • Del.icio.us
    • StumbleUpon
    • Reddit
    • RSS